Ingat po kayo sa seller na 'to.
Nag-deal po kami nitong JOHN012345 kahapon sa Mall of Asia for his iPhone 6 64gb FU Space Gray with issue(rear camera and flash not working) for my iPhone 5c 32gb Globe locked White plus +12k cash. To be honest, okay lang ako sa issue kasi parang hindi naman ganun ka major problem. Pero upon using it for a day, na-notice ko na sobrang hina ng signal and may weird battery drain siya. Napa-check ko pa nga yun unit after ng meet up namin sa SM Harrison para mapaayos ko na yun issue kaso di daw nila kayang maayos. Ang sabi pa sakin ng technician na replaced na daw yun LCD Screen ng Class A version. And may parts sa loob ng iPhone na nabasa daw kasi puro kalawang na.
Nag-compromise ako sa guy na 'to by first sending him a message dito sa TCP na kung pwede ba ako mag-refund dahil nga sa experience ko sa phone. Hindi ako na-satisfy eh. Willing pa nga ako magbigay ng extra P1.5k sa kanya dahil sa abala. Nag-try din ako tumawag a lot of times kaso hindi niya sinagot or binababa niya. Nag-message din ako sa OLX niya, pero no response. Nung nakita ko siya nag-online dito sa TCP, suddenly nawala lahat ng binebenta niya sa user items niya(including yun iPhone 5c ko).
Anyway, ingat nalang po kayo dito kay JOHN012345. Wag kayo basta basta maniniwala agad porket walang negative feedback. Salamat TCP, sana maayos 'tong issue na 'to.