Bumili kami ng LG SU640 sa kanya kagabi at nakipag meet sa kanya sa Jackman Caloocan. Nagkita kami doon para ma close yung deal at ma mod yung phone na bibilhin ng friend ko that night. Pinakita nya sa amin yung LG LU6200 and LG SU640 na pagpipilian ng friend ko. Maayos naman yung dalawang unit that time. After 15mins, Sinabi nya na sa bahay nalang nya gagawin kasi di nya mamod yung phone gamit yung file na nasa laptop nya so sinabi ko na sige antayin ka nalang namin dito para di na kasi lalayo pa. Dito na nag simula yung switching na naganap. Habang nasa loob ako ng PARCO Caloocan at namimili, dumating na pala sya at naibigay na yung phone sa friend ko. Syempre hinayaan ko muna gamitn nya yung phone na binili nya at di ko muna kinuha. Noong nasa NLEX na kami at pauwi na ng Subic, nakita ko na may light leak yung LCD nya siguro either nabasa sya or nagkaroon na ng sira yung lcd screen nya for unknown reason. tinext ko sya para sabihin na may problema yung unit na nabili namin sa kanya para mapalitan pero hanggang ngayon, Hindi pa din sya nagrereply. Im very very disappointed with you Sir, We came all the way from Subic pa and for you to do this to me and friend is just unacceptable considering this is our second deal. Nahiya ako sa friend ko dahil nirecommend kita. I gave you ample time to defend yourself against what you did to me and my friend. Until you reply or replace the unit, This NEGATIVE FEEDBACK WILL STAND.