It is quite sad na ako ang magbe-break sa sunod-sunod na positive feedbacks ng taong 'to.


Siguro kung ibinalik mo na lang ang Sky Vega Racer A770K ko eh 'di na aabot pa sa ganito, mas pinili mong 'wag pansinin ang mga text at tawag ko sa 'di na active na number mo. Anyway, 'di naman kasi matutumbasan ng isang cellphone, gaano man ka-advance, and ethics at dignidad ng isang tao.

'Di na kita masisisi kung paniniwala mo na mas mahalaga ang mga materyal na bagay kumpara sa pagkatao mo. Sana lang 'di maging malupit ang karma sa'yo. Mas malupit pa sa Atrix mo na sira ang front camera at may tama ang touchscreen.

Ingat ka na lang. Sa susunod na magkita tayo, I'll make sure na you'll get what you deserve.