oh, this story is gonna be long, grabe tong user na to....

i was selling an athlon 1800+ processor, priced at 2000. this person contacted me saying gusto nya raw bilhin, so gave him my landline and talked to him, nagkasundo naman sa price. he asked me kung pwede i test, sabi ko, sure, test natin. taga parañaque ako kaya tinanong ko kung san itest, sabi nya sa san juan daw siya, so sabi ko sige test natin, no problem. tapos napunta ang usapan sa mga users sa TPC na nagbebenta ng sirang parts (WHAT A COINCIDENCE!)[, sabi ko hindi sira, no hidden defects, which is the truth. tapos tanong siya ng tanong kung bago daw ako sa tpc, sabi ko hindi, medyo matagal na, medyo marami na ring transaction pero hindi ko lang sinisiryoso ang feedback kaya konti lang ang feedback ko. then, sabi nya hindi na lang daw niya itetest, taga BULACAN daw siya. so, ayun na nga, nag meet na kami, text text, tapos habang nagtetext, galing daw siyang NOVALICHES, taga san ka ba talaga?! so basta yun, i offered testing, wag na lang daw. after 1 1/2 hours, tumawag, sira daw yung processor! black out daw! hindi raw nagreresponse! (take note, mali pa ang grammar) so, sabi ko imposible, kakatest ko lang yan before leaving the house. sabi naman niya, oo nga daw, nagtataka rin daw siya...so, ako, tamang duda na, kasi pwede napaltan niya na yung processor or siya ang nakasira. o sige, i consider din natin yung possibility na nasira nga yung processor, e sobrang coincidence naman, sobrang malas naman namin, na-on the way, nasira, ewan ko lang ha, e hindi naman ako nag commute, hindi ko naman yan binulsa, kitang kita maayos yung processor, naka-car naman ako, so good ang handling talaga. so, ang gusto nya, papaltan or money back, ngayon, gusto nyang ipatest, pero, whats the use? e kung nasira nya na or napalitan nya na di ba? so, for the whole day, tawag siya nang tawag, ang kulit, e im asleep since i work with dell, so gabi ang pasok ko. e pinagigising pa ako, medyo nawisit ako siyempre, sino bang hindi? tapos may nagtext na iba, minura ako tungkol sa transaction, sabi ko, anung paki alam nya, e hindi naman siya ang ka-transaction ko...sabi niya, siya raw ang nagpabili sa user na to nung proc. sabi nya 2500 lang daw, nanloko pa ako. sabi ko, 2000 lang ang benta ko and hindi ako nanloko, sabi baka siya ang niloloko ng user na to, sirang proc ang binibigay, sa akin pinapasa ang sisi. tapos tinatawagan ko, ayaw sagutin. tinatawagan ko si jcextreme, cannot be reached. after a few more texting, napansin ko, pag yung isang number, nagriring, yung isa cannot be reached. so huli ko siya, nagpapanngap lang siya. i dunno, kung ano talaga, pero akala siguro nito, new user ako and walang pa experience kaya siya tanong nang tanong kung new user ako, well, hindi mo ako magogoyo.

Points to consider
tinatawagan ko yung "original buyer", ayaw sagutin, kung ikaw yung buyer, and feeling mo naloko ka, ayaw mo bang makipagusap para ayusin or murahin man lang yung seller? hmmm...

kung manloloko ako, ibibigay ko ba ang landline ko? real cell number? kung totoong manloloko ako, siyempre ang gagawin ko, hindi mo na ako matratrace di ba?

then nung nabisto ko na siya rin yung isang texter, sabi nya, hindi daw siya yun, tawagan ko daw, para malamn ko na hindi siya, pero this was after 20 minutes, NAGHANAP MUNA NG SASAGOT, style bulok. ayaw sagutin nung una, kasi mabobosesan ko siya, HULI KA NANAMAN.

guys, some of you might not agree with me kasi naging OK yung deal nyo, pero this is my experience with this user, concern ko lang, baka nambibiktima to ng mga bagong users. dati nga, may buyer ako ng hdd, sinulot ng isang seller, nauna sa meeting place, then mabait naman yung buyer, binili pa rin yung hdd ko, ikaw kaya yun? this sucko may have a lot of positive feedback, but be careful still...