Mr Paul,

Sobrang dissapointed ako sau pre. Napakapropesyonal mo pa naming kausap. Nanghihinayang ako sa sa lahat ng magandang feedback sa iyo rito. Ayoko sanang i post ito kaso di mo ako binalikan pra isoli ung pera ko gaya ng pangako mo. Para na rin malinawan ang iba ito ang naging usapan natin.

Last April 25 bumili ako sau ng IPhone 4 32 GB na white @ P6500. Nag hintay ako sau sa Megamall as meeting place. Nagtiyaga ako mghintay till pass 9pm. kahit na ang meeting time lng ntin e 7pm. Sge sbi ko maayos k nmng kausap kya nghintay ako.

Sabi mo marami kang abala kya ka nalate. Keso hinintay mo pa kapatid mo mula sa school. Sinabi mo pa na naupuan mo ung LCD at nabasag kaya pinapalitan mo pa sa greenhills. Dahil maayos kang kausap at medyo ok nmn ung unit so binili ko pa rin. Natuwa pa nga ako kasi binigyan mo ako ng tawad dahil nalate ka kya binayaran ko na lng ng P6200.

Kinabukasan gnamit ko ung unit sa opisina ko para mag wifi. Kaso ang problema “grayed-out” ung wifi di ko ma “on”. Isang bagay na hindi ko nakita bago ko binili. Sinubukan ko irestart ung unit. Gumana kaya medyo di ako nagalala. Kaso mga 3 araw din na nmn gumana. At kahit anong restart ko ayaw na talaga. Sinubukan kitang kontakin pra humingi ng tulong. Sabi mo nsa province ka at may family problem kaya sge pre naintindihan ko. Sabi mo tutulungan mo ako pagbalik mo at sagot mo kung ano mang gastos para gumana ang wifi nito.

May 7 sinubukan kita ulit tawagan pra humingi ng tulong. Medyo rindi na ako kasi di pa rin gumagana ung wifi ng unit. Ano nga namang silbi ng iphone kung di makasagap ng wifi. Sabi mo nsa ibang bansa ka nmn at after a month ka pa makabalik. Sabi mo pagbalik mo ay isosoli mo ung binayad ko. Sa huling pagkakataon, maayos ka naming kausap kaya sge sabi ko pagbibigyan kita.

Samakatuwid kaya nababasa nyo ang post na ito ay sa kadahilanang di mo tinupad ni Mr Paul and pangako mo na isoli ang binayad ko kasabay na rin ang pagsoli ko sayo ng defective na unit. Sinubukan kitang tawagan pero din na makontak ang number mo sa Sun 09328616600 at ung Globe mo 09391826105 ay iba na ang maygamit.

Sa huling pagkakataon Mr. Paul. Siguro sa paraang ito ay tutuparin mo na ang pinagusapan natin. Babawiin ko ang lahat ng sinulat ko rito at ituturing ko na magandang transakyon ang nangyari bilang konsiderasyon sa mahigit 50 na positive feedbacks mo rito.