sir, bakit naman po ang daming sira nitong samsung d900 niyo?? ang ayos ayos po ng usapan natin. sana naman sinabi or nabanggit niyo sakin before tayo mag meet. mapipilitan akong ifeedback kayo ng negative. di na kayo nag rereply sa mga text ko.

eto po yung mga problema ng unit niyo:

- maganet na yung flex (at my naka bukang part sa left)
- hindi nag kekeypad lock pag sinaslide down.
- yung 2 battery, sobrang bilis malowbat at mag charged. 1 min pa lang fully charged na daw.
- tapos ang dumi po nung unit. sa mga singet singet.

ikumpara niyo naman po sa unit ko na SE k800i. very presentable and clean. walang problema.

sir, mag reply naman po kayo kahit dito na lang. di ko na ibabalik yung unit. alam kong di ka na papayag. pero, sana naman sir sagutin niyo lahat ng tinatanong ko. lahat naman ng tinatanong niyo sakin sinasagot ko.

sorry, ayaw ko man mag feedback ng negative. kaso i have no choice.