User Login

TipidCP.com is the premier forum and trading portal of the Filipino mobile phone enthusiasts. Got something to say, sell, or buy? Sign up for an account now. It's absolutely free!

Forum Topic

Your Bad Experience in a Cellphone Repair Shop & Your action

  • received a pink razr a couple years ago. wanted a different color so i went to a shop in lipa. dude was saying that he knows how but clearly he was struggling in removing the case off my phone. after 2 minutes, i said i changed my mind because he was denting my phone a lot.

    ended up with a gadget wrap.
  • karamiha naman sa technician na yan eh, baklas,resolder,linis lang ang alam,at karamihan barubal pang maghinang! kaya lalo pang lalala ang sira ng unit mo ng dimo alam at karamihan jan Walang alam sa Electronics!!! kaya ako nag re research nalang ako para malaman ko sira ng gadget ko tapos ako na mismo gumagawa
  • Yun nga rin ang sabi ng SM Manila na ioorder pa raw nila aabot daw ng 2 to 3 months pa bago dumating ang order..sana merong gumagawa sa MEGAMALL.. about warranty naman sabi ng pinagbilhan ko sa WIDGET free sevice lang ang offer nila pero walang assurance sa parts kung makakakuha agad..siguro nga sa dalhin ko na lang sa Greenhils im sure na merong gagawa dun...thanks
  • Ako naka experience na ng technician na kanta ng kanta habang gumagawa bakit kaya hindi na lang siya maging singer at meron naman hindi mapigilan yung malakas na nginig ng kamay mula sa simula hanggang sa pagtatapos bakit hindi na lang siya maging plastic surgeon.

    Siguro mas magagaling yung mga technician na medyo may edad na kasi mas marami itong experience, so to speak.

    -- edited by Djune on Sep 21 2013, 04:46 PM
  • ako pinaayos ko din sa greenhills ang xperia arc s ko na walang 3g signal at naglolokong mga keys.wala naman sila gaanong ginawa, ang mahal pa maningil, 1,200 pa.niagyan lang naman ng jumper yung back key kasi di gumagana yung back key.e ganon pa din naman.tapos nilagyan lang naman nila ng bagong apn para kunwari may 3g.tapos sabi daw inupgrade daw yung software.e ganon pa din naman ang software version.yung mga hardware keys intermittent pa din, pasumpong sumpong.an tagal pa.inabot pa ng 8pm ako don e cavite pa ako.ang isang tech na naglalagay ng software don, asa pa sa google.halatang walang natural knowledge.kaya ayun hinayaan ko na lang na bayaran yun.basta charge it to experience na lang.magsilbing aral.basta iwasan nyo yung mga tech don sa may bandang dulo.bjmp ata name nong stall.medyo long hair yun e.yung katabi ng butchoy.tapos may nakita pa ko sa katabi nung stall don, may isang nagrereklamong customer sa nabasag nyang lcd ng tablet nya.ahh basta di na ko uulit sa ganon!

    -- edited by rjbjej on May 23 2014, 10:15 PM
  • Sakin naman noong noobie days ko pa di ko alam magupdate ng psp. So dinala ko sa cyberzone sa sm north yung hindi pa annex. Nagnamputcha 500 sinisingil sakin. Buti na lang pala di ako pumayag. Lakas managa. Nanood na lang ako sa youtube 30MB file lang yung update tapos iloload lang tapos 500 agad.
  • most of then natuto lang mag bukas ng cp eh feeling technician na agad lol.

    sa totoo lang medyo complicated narin kasi mga gadgets ngayon at ang internals nyan chipset, IC, resistors ay robot ang nag kakabit sa board na almost impossible to repair na din, sa sony kung under warranty eh replace unit agad sila.

    tapos irereplace ng parts? susmaryosep saan naman sila kukuha nyan sa divisoria?

    come to think of it saan ba ginagawa ang mga cp ng branded brands syempre sa ibang bansa like china, at wag kayo umasa na yung parts na ginagamit nila eh pwede kang pag bilan kaya yung mga nirereplace ng mga feeling technician sa tabi-tabi eh parang imitation or class A parts lang din, like flex, mics.
  • may pinagawa brother ko na Cherry mobile Thunder sa service center nila dyan sa banda Sta. Lucia Mall. Since nung July of last year lang siya binili, syempre under warranty pa yun. Nung dinala na dun sa Service Center, void daw ang warranty dahil may dinowload bro ko na apps na nag change ng font ng cell nya. Ewan ko kung tama ba yun, kaya nga ginawa yung apps para idownload mo sa cell mo eh. So nangyari iniwan ng bro ko yung unit dun para gawin. Eto na, after a month, nung binalikan nyam ang charge ay 4.5k daw dahil sira daw motherboard! Paano nangyari yun?? nakasira yung apps ng MB? ending? pull out na lang unit. Hay...
  • Sakin naman noong noobie days ko pa di ko alam magupdate ng psp. So dinala ko sa cyberzone sa sm north yung hindi pa annex. Nagnamputcha 500 sinisingil sakin. Buti na lang pala di ako pumayag. Lakas managa. Nanood na lang ako sa youtube 30MB file lang yung update tapos iloload lang tapos 500 agad.


    Yung sakin naman iba. Nung new PS3 owner ako, hindi ko alam kung saan maghahanap ng CFW update. May pinuntahan ako sa St. Francis, iuupdate daw PS3 ko pero 1k. Sabi ko CFW update lang yun for sure meron kayo jan sa HDD nyo jan at hindi tatagal ng 1 oras yun, lagyan nyo ng 10 games yung HDD ko payag ako 1k.

    Ayun, yung update nung PS3 ko wala pang 5 minutes tapos na. Tapos 3 hours later natapos naman yung paglipat ng 10 games sa HDD ko. So sulit yung 1k. Dapat minsan namimilit ka din talaga eh, yung mga oo lang ng oo talo agad. Isipin mo, kung pumayag ako 1k yung update na wala pang 5 minutes, edi talong talo na ko.
  • ako sa Nokia Care Center mismo sa glorietta, i bought a second hand flip phone kaso nagka issue, at nung ipapa repair ko sa nokia, ayaw tanggapin kase tampered na daw..

    WTF..sabi ko hindi naman warranty ang habol ko ang habol ko maayos phone ko hindi pa din nila ginawa..

    kalokohan masyado sinasabi ng Nokia service center, kaya nga ipapagawa kase may sira e, pag nabuksan na pala ng iba dina nila pwede ayusin...

    well i ended up buying a new Ericsson phone wala ako choice di ginawa ni Nokia..sila ang dominant mobile phone maker noon e...
  • ^I have heard lots of horror stories with Nokia Care.
  • haha ang kukulit ng mga sinasabi ninyo.. pag less than 5 minutes ginawa.. galit.. pag inabot ng weeks or months galit... well kaya nga nagpapagawa para maayos.. kung mahal ninyo gadgets nyo.. then maghanap.. mag suri at magtanong.. hindi yung ala chamba magpagawa tapos kayo pa galit... kung na jumper ang unit kasi yun ang solution sa problema.. dahil walang parts or putol ang linya.. sa mga pulpol na technician dyan sila magsisimula bago gumaling.. sa mga bobo talaga malalaman mo naman kung bobo.. presyo agad hindi diagnose.. ang magaling na tech parang magaling na doctor yan.. diagnose muna bago opera.. kung gusto ninyo ng solution at action.. google. kapit bahay.. kaibigan. na may kakilala talaga na may good experience sila sa repair.. para may habol kayo pag may maling nagawa..
  • yun barkada ko nun na brick yun samsung phone niya dinala sa sta lu 800 kagad singil kasi isosoftware at bibilhin pa daw un software na kelangan sabi ko sa friend ko punta tayo sa bahay baka maayos ko ayun flash lang sa odin nabuhay yun unit tapos isa pa un na invalid IMEI walang signal bibilhin pa daw IMEI 1k sinisingil sa friend ng pinsan ko sa alimall naman eh myphone a919 yun unit sabi ko ako gagawa naayos naman wala pang 10mins mga manloloko yang mga tech na yan eh
  • lamang talaga ang may alam, kaya mabuting pang mag search muna sa google para kay idea kung grabe ba o niloloko ka lang ng technician hehehe!
  • Ako, yung cp ko before (ne52). Dinala ko sa local repair shop dito samin, pero alam ko talaga battery lang problema nun.
    Chinallenge ko siya kung alam niya talaga gawin, ang findings niya e power ic daw. E di sabi ko magkano pagawa? 300 petot daw, tapos sabi ko ilang months warranty niyan? Sabi di pa nga nagagawa warranty agad? Tapos sabi ko e di pa gawa may price kana din?
    Ayun ni reheat ang pyesa, tumalikod pa sakin. Sabi ko 300 e nireheat mo lang? Pero battery lang talaga sira nun.
  • Ingat kayo sa 3rd floor ng building sa gilid ng quiapo, nakakasira sila ng cp, nagpapalit ako screen tapos nawalan ng IMEI yung LG CP ko. Naninira sila ng celphone pag gusto nila. Maayos CP ko at meron IMEI bago ko dinala at may signal pagkatapos palitan ng LCD at Digitizer Assembly wala na IMEI. Lalo na yung mukang bumbay kasama mga koreano. 3rd floor, paakyat ng escalator sa kaliwa, mukang mga koreano at may kasamang bumbay gumagawa, magkakatabi upuan nila na taga repair, ELY TEL blah blah blah name ng repair shop ng CP nila. Tip lang, wag kayo pagagawa dun, mangloloko mga yun. Palalakihin nila sira ng cp nyo. Ginawa ko, pinatanggal ko lcd at sinauli ko sa katabi ng pwesto nila na binilan ko. Nahuthot lang saken yung 350 pesos na paggawa kc nakabayad na ko bago ko nakita wala na signal at imei at bsdeband yung. May mga text pa cp 2 days ago bago nila sinira cp ko. Dagdag daw bayad para sa software aayusin. Nakuta nila mga text nabutata palusot nung bumbay na kesyo dati na daw sira software. Muntik na ko magwala dun sa pwesto nila.

    -- edited by jeffreynr on Mar 14 2016, 10:45 AM
  • PA OT : May mga technician talaga na mapagsamantala mapa gaming console / cellphone man yan. well hindi natin maiiwasan may tao na manloloko at magpapaloko. di natin masisi yung mga naloko kasi wala silang idea sa kung ano ang gagawin. pero mahirap din ang masyadong maraming alam tapos ikaw ang magpapagawa kasi sa isip natin software lang ang sira wala pang 5mins maaayos na yung phone mo tapos 500 agad singil. may katwiran din naman yung mga technician kasi dun sila kumikita, and ang binabayaran natin sa kanila is yung kaalaman nila, pagod at oras. mabilis man gawin yan pero nung una pinaghirapan din nilang pag aralan yan. kung namamahalan sa singil hanap ng iba. ako kasi ang style ko kapag hindi ko alam ang isang bagay like yung pag jailbreak ng ipod touch ko dati nagbayad ako pero pinanuod ko kung papaano para atleast nagbayad ka man nalaman mo naman kung paano ang proseso pwedeng ikaw na ang gumawa sa susunod..

    BTT:
    Bad experience ko nung nagpagawa ako ng cellphone sa Grand Central sa Caloocan early 2000's 3310 pa ang mga uso non, ayaw kasi Ayaw kasi mag power on at di rin nag cha charge ok naman ang battery nung tinest, binaklas nya yung unit and parang air flow lang ginawa nag ok na, pinakita pa sakin nag on ang unit at nag cha charge after nya i assemble ulit nagbayad na ko, ok na yung unit nagagamit ko na pero pag uwi ko sa bahay i t try ko na mag charge WTF ayaw mag charge kahit nag try na ko ibang charger, bumalik ako sa Mall binalik ko sa gumawa binuksan yung unit nakita ko yung contact ng charger sa loob may parang pandikit ung natuyong glue sa glue gun. kunyari di ko pinapansin tapos tinanggal nya nilinis nya kunyari ung contact. nung naayos na ang sabi pumapalya na yung ewan charging capacitor ang sinasabi nya pero naayos na daw, 150 nalang daw... nagulat ako at medyo tumaas dugo ko. nasupalpal ko si kuya. kinausap ko yung may ari ng stall kung saan nakapwesyo ung technician sinabi ko yung kalokohan ng technician nya. di sila nakasagot pareparehas...

    Leason Learned
    i test mabuti bago umalis sa pinag pagawaan. i test lahat at kung di ka kuntento sa gawa sabihin mo at mag reklamo.
  • Bad :

    My phone is currently on the shop to claim its repair warranty.
    What makes it worse, the shop owner stalled fixing my phone for 2 weeks now!

    And! he is making ligaw!

    I let him call/text cuz if me snubbed him, he will be pissed and would intentionally "kahoy" my phone! tsk!
  • @havea
    I let him call/text cuz if me snubbed him, he will be pissed and would intentionally "kahoy" my phone! tsk!
    - ano daw? Tagalog nalang kaya para maintindihan namin.

    -- edited by binokyo10 on Mar 19 2016, 09:19 PM
  • @havea
    I let him call/text cuz if me snubbed him, he will be pissed and would intentionally "kahoy" my phone! tsk!
    - ano daw? Tagalog nalang kaya para maintindihan namin.



    kapag sinupladahan ko yung technician na nag i love you at gusto manligaw kuno, baka pagbalik ng phone ko, nakahoy na!

    -- edited by havea on Mar 20 2016, 12:50 PM
  • @havea,

    ingat na lang po at isama ang bf niyo pag claim para matameme si manong technician. :D

    on topic:
    mas mahal pa sinisignil sa value ng unit kaya di ko na pinaparepair. :D ... naghahanap na lang ako ng DIY sa internet, and will try to repair it myself challenge lang is to find the right tools and parts.

    -- edited by dejakenth on Mar 21 2016, 05:48 PM
  • update: napalitan pala board ng cp ko iba na identity pag saksak ko sa PC ko. dati LG lang pero ngayon JR G na. pinalitan nila ng board sa ELY TEL na pagawaan sa 3rd floor ng building sa kaliwa ng quiapo church. bumili kasi ako tubig sa baba, nauuhaw ako, pagbalik ko buo na pero wala na signal cp ko kasi wala na din IMEI at Baseband CP ko. Ingat kayo dun sa pagawaan na may ELY TEL sa karatula, mga koreano itsura at may bumbay, si bumbay dumale ng cp ko, may lahing mga magnanakaw sila.
  • citylite service center (service center ng lenovo sa megamall)..

    bwiset na mga gungong na yan..dinala ko yung lenovo cp ko last feb sa shop nila dahil pinapapalitan ko ng back cover dahil naka-awang yung back-over hindi siya lumalapat sa unit..pinaliwanag ko sa tech nila yung probema..ginawan niya report..tinanong k pa kung i-rereformat yung unit..sabi niya hindi daw at back cover lang ang papalitan..so after the documentation iniwan ko na yung unit sa kanila..

    bago mag-holy week i asked my wife na kunin niya yung unit..pagkadating niya sa shop nitong mga gungong na ito..ang sabi nung tech na nandun ni-reformat daw yung cp at nung tinanong nung wife ko kung pinalitan yung back cover..ang sabi pa naman ay HINDI DAW PINALITAN..saan bang planeta nakuha ng citylite ang mga hudas na tech nila..talagang nag-init ang ulo ko over the phone nung kausap ka yung tech..may mga importante ko mga pics sa cp yung nawala parang bula pagkatpos hindi naman nila pinalitan yung back cover na nirereklamo ko..To add insult to injury pinabalik ko ulit sa kanila yung cp para magawa yung problem after 1 month ko dinala yun personally. At ang masakit pa din nakita pa ng wife ko na binaklas yung battery nung unit ko..ano ang kinalaman ng battery sa back cover n naka-awan? pagnbuksan mo na yung back cover makikita mo naman agad kung ano yung hindi nakalapat dun..and btw built in ang battery nun..

    up to now march 28 hindi pa rin daw nagagawa yung unit ko..na ang problema lang ay ang naka-awang na back cover!

    -- edited by cedric_35 on Mar 28 2016, 02:25 PM
  • citylite service center (service center ng lenovo sa megamall)..

    bwiset na mga gungong na yan..dinala ko yung lenovo cp ko last feb sa shop nila dahil pinapapalitan ko ng back cover dahil naka-awang yung back-over hindi siya lumalapat sa unit..pinaliwanag ko sa tech nila yung probema..ginawan niya report..tinanong k pa kung i-rereformat yung unit..sabi niya hindi daw at back cover lang ang papalitan..so after the documentation iniwan ko na yung unit sa kanila..

    bago mag-holy week i asked my wife na kunin niya yung unit..pagkadating niya sa shop nitong mga gungong na ito..ang sabi nung tech na nandun ni-reformat daw yung cp at nung tinanong nung wife ko kung pinalitan yung back cover..ang sabi pa naman ay HINDI DAW PINALITAN..saan bang planeta nakuha ng citylite ang mga hudas na tech nila..talagang nag-init ang ulo ko over the phone nung kausap ka yung tech..may mga importante ko mga pics sa cp yung nawala parang bula pagkatpos hindi naman nila pinalitan yung back cover na nirereklamo ko..To add insult to injury pinabalik ko ulit sa kanila yung cp para magawa yung problem after 1 month ko dinala yun personally. At ang masakit pa din nakita pa ng wife ko na binaklas yung battery nung unit ko..ano ang kinalaman ng battery sa back cover n naka-awan? pagnbuksan mo na yung back cover makikita mo naman agad kung ano yung hindi nakalapat dun..and btw built in ang battery nun..

    up to now march 28 hindi pa rin daw nagagawa yung unit ko..na ang problema lang ay ang naka-awang na back cover!


    Mas maigi pa sir na dinala mo na lang sana sa Greenhills yan, hehe. Sa loob ng Viramall meron naman mga trusted na shops doon, kaso ang issue nga lang eh ang expertise nila eh sa more on sa mga brands gaya ng Apple at Samsung.

Browse Items

Search TipidCP


New Want to Buys

Active Items for Sale

Active Want to Buys