User Login

TipidCP.com is the premier forum and trading portal of the Filipino mobile phone enthusiasts. Got something to say, sell, or buy? Sign up for an account now. It's absolutely free!

Forum Topic

Shipping Via Courier of Cellphones

  • ^
    Try mo sa website ng LBC to get an idea. May rate calculator sila dun. Last time na nag-ship ako sa kanila, sakto yung quote sa website sa actual cost (285Php, Manila to Pangasinan, under a kilo declared weight, 5k declared value).
  • Better to declare full value of your item para kung mawala man ay babayaran ng buo ang declared value, P1/P100 lang naman insurance.

    Take note na babayaran ng courier yung recipient hindi ang sender at some couriers have a maximum declared value (P2500 sa Xend Express)

    You have to make prior arrangements if you go over the max.

    Xend Express will pick-up your item for free anywhere in NCR and Rizal (same day) and their rates are reasonable. Just make sure to ask the courier for a receipt, "nakakalimutan" magbigay nung iba kaya di mo alam ano binabayaran mo.

    LBC is expensive and very fussy with what they
    carry, maraming hassle. Avoid them.

    JRS is also a good choice.

    If you don't have an account with Air21, they will not pick-up.
  • i also recommend air21 and dhl to ship your items lalo na kapag cellphones..:)

    visit www.air21.com.ph

    meron silang rate calculator doon. at least you will be given an estimate kung magkano ang babayaran mo for shipment. if not covered by air21, better use DHL instead or LBC.

    i dont have an account with air21 but they will still do pick ups here in davao city. i dont know if it is the same with other cities and they dont have a minimum amount required for pick up.
  • I go with JRS! :) sila Courier ko since nag-online shop ako. At mabilis din ang delivery nla. Ung estimated na 2-3 days shipping sa Visayas at Mindanao nila minsan nakukuha tlga ng nextday lang. Saka mabilis sumagot ung sa Fanpage nila. Kaya madali mu mattrack ung pinadala mu. Pd mu pa ipa-prioritize. ^^
  • Ako kaka send ko lang ng telepono last tuesday. Manila> Batangas.

    LBC ang ginamit ko since ito ang malapit sa bahay ko. 285pesos yung naging fee. Next day nakuha na yung item.

    Laging LBC ang ginagamit ko. once palang ako nakatry sa air21.
  • LBC - Most Expensive than other couriers, even on sundays & some holidays may delivery. Always 1day lang.
    AIR21/DHL/2GO - Less cheaper than LBC, but less offices especially in provinces. it would take 1-2days or more.
    JRS/Xend - Much cheaper than others above, mapagkakatiwalaan din & mabilis. but no delivery on weekends.


    I do my online shopping here or in Ebay & I've tried all couriers. dati LBC ako, but mahal masyado kahit tshirt lang ipapadala mo minimum of P160 petot. ngayon either Xend or JRS na ako, fast & reliable & i can save more than double.

    I recently bought a 2nd hand DSLR costs 15k & it cost me just P189 via Xend. Then an external hard drive costs 4k & it cost me just P90. Next day receive ko na via LBC nagdedeliver since sister company sila.

    Kahit mga sellers na nagooffer ng LBC, i would ask them to use Xend instead, they don't need to go out pa, Xend will pick-up the item sa bahay or store ng seller & pass it over sa LBC for delivery.

    diba mas convenient, yun nga lang kukunti office ng Xend.

    -- edited by _meeks_ on Apr 22 2011, 10:14 PM
  • yun nga lang kukunti office ng Xend.


    Di naman kailangan maraming office dahil sila mismo ang nagpupunta sa iyo.

    Mas mabilis mag-book ng pickup sa Xend website kesa tatawag ka; matagal ka maghihintay. Sa website ilang click lang confirmed na booking mo.

    Pero kailangan mo muna mag-register sa Xend, libre naman ito, at kung nakasampung delivery ka na sa kanila, libre na yung pang-11.
  • Safe naman po ba mag pa deliver ng cellphones/mamahaling gadgets thru our local couriers? Wala ba namang kayong experience na nawala or nadamage? Yung delivery lang within our country. Okay naman ba? Any experiences?
  • dmist24 -- ako NEVER pa naka-experience ng nawalan ng parcel sa JRS. I do online selling sa FB. Karamihan ng nabebenta ko phone. Lagi ko ina-update kung nasan na ang parcel ko sa FanPage ng FB Lalo na kung gadgets un. In just a few minutes nasasagot nila ung mga tanong ko. ^^
  • first time ko magpadala ng cellphone thru LBC,
    marikina-pangasinan
    P240 binayaran ko.
    6K ang declared value.
    nakuha kaagad kinabukasan...

    strick nga ang procedure nila doon, talagang i-che-check yung items before nila ibalot.
  • Wala pa akong experience na nawalan ng shipment in any of our local couriers; minsan naagpadala ako ng items worth P60,000 via air21, na-delay lang ng kaunti at bagyo nuon at maingat sila sa shipment dahil malaki ang insurance na binayaran ko: P600.
  • Ang xend express ay linked din sa LBC kapag provincial delivery tapos wala silang office sa lugar nyo. Sa LBC pa din nila pinapadala. Yung tracking number nila matagal magupdate. almost isang araw bago nila maipapasok sa system. Pero ok lang naman xa, kasi dumating naman ung item ko within 2 days. Taga Palawan nga pala ako. Natry ko na bumili sa 3 members dito at sa isang online store. Hassle free transactions naman ang nangyayari.

    Sa LBC naman saglit lang naguupdate agad ang system nla for tracking numbers. Kaya no worries. Mahirap bumili kapag peak season kasi baka madelay ang shipment nila. Pag off-peak naman, 1 day lang dito na sa amin ung package.

    If ever may mga taga Palawan dito just let me know. thanks tcp

    -- edited by dg4576 on Jan 01 2012, 09:27 AM
  • anyone have any idea how much kaya magpaship ng iphone 4 to luzon, visayas and mindanao?
  • 350-450

    including insurance
  • yup what i like with LBC is that they deliver on weekends..
    i trusted my DSLR and f2.8 lens with them round trip to have it repaired and paid the full declared value just in case something goes wrong.. so far dumating naman..
    but if i wasnt in a rush i'll be sending it via xend or JRS..
  • im not sure if Zoom88 is still alive.. but i've read that they do sameday delivery for 150 pesos in 88 minutes with in metro manila.. can anyone confirm this? are there any other companies here in metro manila having the same service they do?
    thanks.
  • Does LBC still ship phone in the provinces?

Browse Items

Search TipidCP


New Want to Buys

Active Items for Sale

Active Want to Buys