User Login

TipidCP.com is the premier forum and trading portal of the Filipino mobile phone enthusiasts. Got something to say, sell, or buy? Sign up for an account now. It's absolutely free!

Forum Topic

The New Nokia 600, 700 and 701

  • @cfms1973

    Sige Sir. Mukhang dadayo ako doon soon. Nakahubad na 701 ko dahil mukhang nagkaroon ng kaunting discoloration (hirap makita unless tutok sa araw) ang battery case ni 701 dahil sa "otterbox" case ko.

    Naghanap ako dati ng orig sa Otterbox at Capdase sa SM North. Walang available. :( Nakakalungkot kasi unnoticed gem talaga ang 701!
  • @oreo26

    try mo contact to: 09163332220
    reseller ng capdase sa gh. Ask mo kung meron pa silang pang c7
  • @mairon08

    Orig kaya mga tinda nila Sir?

    Sa Capdase website kasi parehas lang ang C7 at 701. Kung mayroon kahit yung leather case lang.

    Kamusta ang C: drive space issue mo?

    Edit -

    @cfms1973

    Sir I tried callng the number but all they have is the Soft Jacket 2 Xpose, which is most likely a counterfit Capdase (kailangan ko pa makita).

    Mukhang on for the hunt nanaman ako, mamumulubi naman ako kung magpapaship pa ako from Otterbox, $62 mahigit eh :'(

    -- edited by oreo26 on Dec 17 2012, 05:37 PM
  • Bumping this thread.

    Nakabili ako ng magandang Capdase na class A sa tiangge sa taas ng Farmer's Market. Actually nagbebenta ako dati ng Capdase cases pero kahit sa supplier ko wala. On top of that, maganda tong nabili ko, nothing like I sold before. Can't even find it online. Nag pay off din ang patience ko sa paghahanap.

    Nanggaling na ako sa SM North, Fairview, Robinson's Place Nova, Trinoma, Fairview Center Mall at kung saan saan pa at wala ako nakita.

    Yung nabili ko solid. Rubber talaga yung likod tapos gilid lang ang plastic para siguro sumuot ng maiigi sa countour ng phone.

    Dalawa na binili ko habang di pa nakakabili ng orig na Otterbox dahil nga sa mahal na shipping.

    Only downside is may dalawang rough patch sa face sa bandang taas at isa din sa bandang baba. Pero kung di ka naman affected with OCD, okay na siguro yun.

    Heads up lang sa mga naka 701.
  • share naman ng pics sir oreo.. :)
  • @ravenhearst

    Would love to pero wala naman na extra cam. Hehe. Puwede picturan ko yung case lang.

    Nabenta na ang extra phone. Sira ang cam ng BB ni misis.
  • nice find oreo!
  • still have my 701 kahit may 4s na ko,, sarap din gamitin ni 701 at kunat pa ng batt,,
  • eto ba gamit nyo mga sir?? swak ba lahat ng butas. para sa C7 sya.

    External Image
  • panu gamitin 2nd cam sa FP2 mga sir? dami error ng FP2..

    sana mag labas na nang update. mas ok pa talaga FP1
  • @ravenheart

    I agree...sablay talaga fp2. Di na kasi nokia ang gumawa ng fp2 eh.
  • guys, san kayo na DL ng games? share naman..
  • sablay nga fp2 sama ma fix na sa next update,, nu gamit nyong cfw? ako sariling cfw lang..
  • @ravenhearst

    Parang ganyan, pero iba yung texture. Pasok naman sa lahat ng butas. Pero dahil plastic ang gilid, di ko feel ang pindutan ng power(never use it really) at volume keys.

    @cradleoffilth2

    Indeed, nagulat ako sa battery life niya.

    Sariling CFW na napakaunting mods. Parang mangangayaw nga din ako sa FP2 kung hindi lang ako OCD na gumamit ng latest software. Nakakabaog mag text sa alphanumeric keypad. Gusto ko yung luma.

    Try niyo i cook pala ang Sound Improvement 3.5

    <click here for link>

    Naging diyablo ang sound ng 701 ko. HRV Tunings lang nilagay ko sa ROFS3.

    If there is enough user demand, aayusin at irerelease ko ang Quicken^3 CFW ko :)
  • @oreo

    sir baka pwede ka magcook for nokia 700 hehehe
  • @mairon08

    Kung irerelease ko yung CFW ko for 701, madali na yung sa 700 lalo na't kung may project files. Kaya madaling na port ang Quicken ko noon sa iba't ibang RM.
  • ^tanong lang sir, ano po meron sa cfw? Masaya na naman si misis sa stock e kaya ok na... Kahit naman siguro hindi orig casing, as long as protected sya, ok na siguro... Opinyon ko lang naman... Nung naghahanap kasi ako casing, dahil sa hirap, kahit class a lang e ok na, buti na lang at nakakita ako...

    Up for 701 and to its owners... Merry christmas to all...
  • @cfms1973

    Merry Christmas din sa iyo Sir. Oo naman, basta't protected kahit jelly okay lang. Pero ito kasi ang bisyo ko. Sa iba babae, alak, sugal o droga. Ako cellphone. Ito ang hilig ko. Basta't hindi apektado ang kabuoang budget ko, gagastusan ko to.

    Anyhow. Maraming mods yan Sir. Mayroon akong mods tulad ng hacked siya so nakakainstall ako ng kahit anong gusto, menu layout na 4x5 imbis na 3x5. Sound improvement mod na parang libreng upgrade sa headset volume(sobrang lakas compared to stock.) Vibration tuwing magcoconnect o magdidisconnect ang tawag, modified fonts at marami pang iba.

    CFW gives you (almost) complete access to everything governing your device. Almost dahil ang ROM.IMG, UBOOT.IMG ay di pa din editable, ROFS1,2,3 at UDA lang. Kaya yung mga nagpapanggap na overclocked daw ang CFW nila is a big hoax. Malamang nasa bootloader ng Symbian ang clock speeds kaya hindi pa din siya editable hanggang ngayon.

    Maagang pamasko ng info lamang sa mga Symbian Users. :)
  • ^siguro dre, pag mag cfw ako e ikaw hahanapin ko... Kudos to you bro for updating this thread... Masaya pa nman ako ke e6 kaya no upgrade muna... Been thinking on gatteing an android phone para masubukan, dami na kasing mumurahin e, pero nokia is still my main phone... Simple yet functional... Ty...
  • @cfms1973

    Sure Sir. Walang kaso yan. In fact, may services ako specially for Nokia Phones naka post sa Sulit. Di ko na pinost dito at bawal yata.

    My pleasure Sir. Gusto ko dati ang E6, napakasarap ng QWERTY keypad device sa mga heavy texter or business oriented folk. Kaso inisip ko din kasi na sobrang heavy user ako, Di kakayanin ni E6 ang multiple apps, messaging and PIM habits ko.

    -----

    Wala na din masyadong mods for Symbian Belle and I can attribute that to two main factors:

    Before we get to said factors, let me establish some things first.

    1. Symbian Belle is a well polished OS. Ang highest specification Symbian devices ay tumatakbo lamang sa ganitong typical na setup:
    -1.3 GHz Processor
    -512MB RAM
    -128 MB GPU

    vs Android na

    -Quad Core 1.2GHz
    -1GB RAM
    -Dual or Quad 128MB GPU

    I have tried Symbian, Android, iOS and even a prototype WP7.5 back in the day. Ito ang opinion ko.

    Symbian is the best bang for buck OS out there. It requires little hardware power as opposed to every other platform out there. It's very cheap! My Nokia 701 only cost me 6.3K. In terms of UI, I would say na it's almost, if not exactly as responsive as Android on some higher end models.

    iOS dominates the UI realm by a long shot. Everything is fluid and stable. In fact, if I were to chose another platform, iOS would be it. Hindi siya comparable sa Android, Symbian or WP in this regard.

    In terms of functionality naman, there are little things that you can do on Android that you can't do in Symbian. So hindi din siya deciding factor.

    Functionality is also great on iOS. There are a ton of apps that one can utilize, sobrang closed lang talaga ng OS.

    Back to my main point: wala ng ma mod sa Belle simply because it's pretty good out of the box. Kaunting mods lang that are necessary and you're good to go.

    2. Wala ng user ng Symbian.

    If you have the moolah, you would go for an iPhone 4s/5. Kung wala naman, baka maki join ka ng bandwagon and go for a cheaper Android device, masabi lang na naka Android ka. Tapos puro sakit ng ulo sa build quality.

    2 years ago, bawat bukas ko ng forum, may bagong mod. You'd have to scroll down a couple of pages just to see the mods on my CFW.

    These days, there are a few people who own the device, kaya ayun, few people invest the time and effort for mods. Masama pa niyan, one of the best Symbian Modders, CodeRUS has left the modding scene.

    <click here for link>

    Without this guy, who has been modding since before I ever used a smartphone, wala tayong Rom Patcher.

    Just a bit of history on your devices folks! :)
  • may idea ba kayo kung magkano ang nokia 700 sa market ngayon???
  • Yung kaisa isa kong nakita Nokia 700, 6K. 300 lang difference sa price ng kuha ko sa complete/1 month used na 701. LOL.
  • @oreo26

    san mo nakita sir? penge naman ng link. yung officemate ko gusto bumili. wala makita sa mall. naiinggit si kupal sa phone ko eh. hehehehe
  • @mairon08

    PM Sent
  • @oreo26

    got it bro. bakit nga pala gising ka pa? nocturnal ka din ah. bro can you try backing up your c: kahit yung settings, messages at contacts lang? tapos after back up check mo kung lumaki yung c: space mo?
  • @mairon08

    Mga 2 hours a day lang ako matulog. Tapos once a week biglang 12 hours. Hmm, you mean with the built in back up on the device?

    I normally just back up using Nokia Suite.

    Nokia Suite 3.7 is now in Beta and honestly it's much more stable than 3.6. You guys should try it out. Sarap mag text from your PC.

    <click here for link>
  • ako din sa nokia suite ako nagbaback up

    @ all share naman naten mga screenies naten hehe
  • External Image


    sana maganda ang fit nito sa 701 at pati quality.. may stock pa daw yung seller nito on both colors.

    350 ang isa. ok na ba sa class a? dalawa ang kukunin ko. para sa akin at ke misis..
  • @ravenhearst

    Hingi ka ng discount kung dalawa. I used to sell those @300 lang.
  • ganyan din yung case ng 701 ko

Browse Items

Search TipidCP


New Items for Sale

New Want to Buys

Active Items for Sale

Active Want to Buys