-
coreyjohn
on
April 24, 2017 06:27 AM
Mga Ma'am/Sir, hihingi lang po sana ako ng advice tungkol sa isang repair shop dito sa laguna na ninakaw ng technician yung phone na pinapagawa ko. Pinagawa ko yung charging pin ng phone mga aroung last week ng march. Then kinabukasan binalik ko kasi ayaw na naman mag charge pero wala yung CP tech doon. Bumalik ako after 3 days para ipa warranty then nakita na sira na yung board na kinakabitan ng charging pin. Grounded na daw dun sa part na yun.. (nakahiwalay yung board na kasama ng charging pin ng samsung galaxy s2). siningil nya ako ng 400 para mapalitan yung parts nung phone. nag suggest ang asawa ko na iwan na lang ang phone para maayos na agad at makuha kinabukasan. medyo hesitant ako na iwanan pero sabi ko naman, tutal may shop sila alam ko kung saan ko babalikan. inabot ng holyweek sarado ang shop nila kaya diko makuha yung phone. last week pumunta ako sa shop at ang sabi sakin wala na daw yung CP tech sa kanila at dala yung phone ko. di na daw napasok sa kanila yung CP tech at meron din daw na iba pang mga phones na pinaparepair na kinuha din. nagtanong ako kung ano full name nung CP tech pero ayaw nila ibigay at ang dahilan ay di daw nila alam surname. pati shop name nila ayaw din ibigay kasi walang nakalagay na pangalan nung shop. di daw nila sagutin yung nawalang phone ko dahil yung tech daw ang may kasalanan. may laban po ba ako dito? ano po ba pwede kong gawin laban sa kanila?
-
habagamihan
on
April 24, 2017 12:24 PM
ipablotter mo. magsama ka ng police doon sa shop. imposibleng wala silang record ng pangalan nyan, employee nila yan. pwedeng kasabwat sila jan. magsama ka na lang ng police.
-
netshark
on
April 25, 2017 04:42 PM
magfile ka ng theft. mabigat na kaso yon dahil may kulong yon. mapipilitan magcooperate yung shop by providing info about the technician. otherwise, isama mo sila sa reklamo.