Pagpasensiyahan ninyo na ako mga kaibigan, pero hindi ko matiis magsimula ng thread tungkol dito.

Isa akong biktima ng ninanakawan ng load last year pa. Nangyayari ito everytime na naglo-load ako. Base sa obserbasyon ko at sa pagtawag sa customer service ng telco, yung deduction ay lagi tungkol sa VAS at parang sistematic ang pagnakaw ng load. E never naman ako nag avail ng mga VAS na yan. Ilang beses na ako tumatawag sa hotline nila, puro sup call na wala pa rin.

Aaminin ko, menial lang ang amount na nababawas kumpara sa mga nababasa ko sa FB(yung iba pa nga comments sa page ng mismong telco) at sa mga forums. Pero ang akin lang, pagnanakaw pa rin yun. And can you imagine, kung maraming subscribers ang nanakawan, magkano umaabot yun diba?
----

Ang aim ko sa thread na ito, na baka pwedeng magshare din kayo ng experience niyo kung sakaling naka prepaid kayo at nananakawan din kayo, yung solusyon kung natigil man(with the same SIM number) o kung tuloy tuloy lang at walang ginawa ang telco.

Alam niyo hindi na kasi tama. Naalala ko dati nagkaroon ng hearing sa Senado at kinuwestiyon yan ni Sen. Enrile tungkol sa pagnanakaw ng load. Nung time na yun hindi ako naniniwala pero totoo pala at nangyayari ito. Ang hindi ko maintindihan sa laki at yaman ng telco na ito, hanggang ngayon hindi pa rin nila maayos yan.


----
Salamat in advance sa mga magsheshare ng kanilang kwento lalo na kung meron kayo insider information kung bakit ito nangyayari.