User Login

TipidCP.com is the premier forum and trading portal of the Filipino mobile phone enthusiasts. Got something to say, sell, or buy? Sign up for an account now. It's absolutely free!

Forum Topic

Globe GOSAKTO Thread (List on Page 1)

  • GOSAKTO PROMO CODES AND COMBOS

    =======================================

    This thread contains all known GOSAKTO PROMO CODES and COMBOS for GLOBE ONLY. And purpose ng thread ng ito is to help you learn how to COMBINE or create COMBOs na swak sa panlasa niyo.

    TWO TYPES OF PROMOS

    A. PAMPADAMING PROMO
    * eto yung promo na maraming available consumables, whether texts and/or call and/or data
    * ang mga promo na ito, 1 day lang ang validity

    B. PAMPAHABANG PROMO
    * eto yung promo na ginagamit to extend your promo. Sila yung nagbibigay ng mahabang validity period (whether 7 or 15 or 30 days)
    * kadalasan, konti lang ang available consumables nila

    From the terms itself, malalaman natin yung uses ng nasabing promo. Ang pampadaming promo, siya ang bahala sa pagpapadami ng consumables mo. Marami siyang consumables pero ang weakness niya, 1 day lang ang validity period niyan. Pero diyan na papasok si pampahabang promo. It's supposed to have fewer consumables kasi hindi naman niya responsibilidad na magpadami ng consumables kundi magpahaba lang ng validity period ng inyong combo.

    So that's why pinaghihiwalay natin ang terms na PROMO at COMBO dahil dito na magkakaroon ng magkaibang effect ang mga yan.

    Pag single PROMO lang, then explicit, alam na natin ang contents nila. Nasa first table sa ibaba ang mga sulit and suggested promos available.

    Pero once we talk about COMBO, nag-iiba na ang content ng dalawang pinagsamang promos na yan.

    Kumbaga sa Dragon Ball, may sariling powers si Goku at Vegeta. Pero pag nag-merge sila to become Vegito or Gogeta, totally, nag-iiba na ang powers at personality nila. Parang ganun (may maisingit lang na comparison eh, hehehehehe)

    So ang formula to make a COMBO is:

    PAMPAHABANG PROMO + PAMPADAMING PROMO = SUGGESTED COMBO

    Pwede ring...

    PAMPAHABANG PROMO + PAMPADAMING PROMO + PAMPADAMING PROMO + PAMPADAMING PROMO + PAMPADAMING PROMO + ... = SUGGESTED COMBO
    (depends kung gaano kadami ang gusto niyong consumables na magagamit niyo)

    Within the validity period, pwede kang mag-register ng mag-register ng ilang beses ng pampadaming promo. Pero isang beses lang ginagawa ang registration ng pampahabang promo within a certain point in time.

    So kapag nakabuo na kayo ng isang combo na gusto niyo, then active na yan kung anuman ang validity period niya. At once malapit na siya mag-expire, saka pa lang ulit kayo magre-register ng pampahabang promo na ginamit ninyo sa umpisa pa lang (unless gusto niyo na magbago ng combo) to extend your entire combo.

    ========================================

    HOW TO COMBINE PROMOS

    1. Ang dapat lang tandaan, dapat ang dalawang pinagko-combine na promos ay may common denominator sa isa't isa. Meaning, dapat ay pareho sila ng content para maghawahan. Meron tayong walong contents:

    * Bulk texts to Globe/TM/Cherry
    * Unlimited texts to Globe/TM/Cherry
    * Bulk texts to ALL networks
    * Unlimited texts to ALL networks
    * Bulk calls to Globe/TM/Cherry
    * Unlimited calls to Globe/TM/Cherry
    * Bulk data
    * Unlimited data

    2. BULK is not the same as UNLIMITED when it comes to combining promos. Iba po ang bulk texts sa unlimited texts at hindi masasabing compatible ang dalawang yan in combining promos. Kaya kapag nag-register ka ng dalawang promos with one having bulk texts while the other one has unlimited texts, hiwalay din po sila pag nag-check ka na ng status and they will be treated as a separate/different content. The same applies to calls and data.

    ========================================

    TABLES OF WORKING AND ACTIVE PROMOS AND COMBOS

    External Image


    External Image


    External Image


    ========================================

    PAANO MALALAMAN KUNG WORKING PA ANG MGA PROMOS OR HINDI NA

    1. Hanggang andito pa ang mga promos, it means ACTIVE pa rin sila.

    2. I-send ang kahit anong promo code pero palitan ninyo ang nakasulat na number sa dulo ng promo code at gawin itong number 1 (don't worry, hindi kayo kakaltasan ng load sa pag-send ng wrong promo code). Globe will text a reply telling you na mali ang promo code at yung tamang promo code ang ibibigay sa inyo kasama ang tamang amount. For example, ang promo code na GOTSCOMBOKEA37. Gawing GOTSCOMBOKEA1 ang promo code na ise-send sa 8080. Ito ang reply na matatanggap niyo kay Globe:

    "Ooops! We've run some check and found out that your keyword is outdated. For reference, please take note of the new GoSakto keyword for 20 allnet texts + 1000MB data is GOTSCOMBOKEA37, available for only 37 pesos. To confirm your registration, please reply with GOSAKTO YES within 5 minutes. Want to explore other exciting offers? Dial *143# for free."


    3. After checking everything at may promo na sa tingin nila ay hindi na talaga active, I advised members to post a SCREENSHOT as evidence na hindi na working ang promo. Para mas makita natin ang problema at magawan natin ng paraan.

    -- edited by AaronICK on Jan 18 2019, 07:27 PM
  • REMINDER SECTION:

    Lahat po ng mga announcements or paalala ay sa section na ito ko po ilalagay para mas organized po ang ating thread.

    So yung mga tables lang po ang mababago sa very first comment.

    Lahat po ng mga announcements at reminders ay dito sa second comment ko po ipo-post. So alway keep posted.

    -- edited by AaronICK on Oct 17 2018, 09:39 AM
  • PAGES TO FIND OTHER IMPORTANT INFORMATION

    * Text (all networks) + Call (all networks) + Data for 7 days = PAGE 1

    * Text (all networks) + Call (all networks) + Data for 30 days = PAGE 1

    * What promo to register kapag nasa critical level na ang available text? = PAGE 12

    -- edited by AaronICK on Jul 26 2019, 02:46 PM
  • Reserved
  • Sir AaronICK ito na ba ang bagong thread? Di ko na mahanap yung dati hehe thanks.
  • bookmarked
  • @ike08

    I guess so. May basbas po tayo ni sir ninjababez to create a new thread. Para mas maging organize na rin at mas madali ang pagbigay ng info sa mga kapwa Globe subscribers natin. Since mostly, ako naman po ang nag-e-edit ng table. So binigyan na rin nila ako ng right to create a new thread para direktang nae-edit ko na rin po yung very first page.

    Anyway, sa lahat ng Globe subscribers, BOOKMARK niyo na itong thread natin for updates.

    Thank you.
  • @AaronICK
    bumili ka nga ng smart sim card, tapos update mo rin kami ng promos hahaha

    keep up the good work bro :)
  • uunga SMART user here hehehe
  • welcome back sir AaronICK hehe
  • Minessage kita idol AaronICK kasi hindi ko makita yung thread kung saan ka active.
    Thank you idol dito. Bookmarked!
  • Actually, meron po akong Smart SIM. Pero talagang pakiramdam ko, hindi sulit ang mga promos nila since they are fixed.

    Hindi gaya dito sa Globe na controlled mo kung ano ang gusto mong consumables at pwede pang dagdag na lang ng dagdag. Kaya hindi ko rin master ang mga Smart promos. Pasensya na po.
  • ^pinag aaralan ko nga, kaso the fact that there are no combos available malabo talaga maisahan lol
    company issued smart sim ko with 550 php worth of load lang but free call and sms to smart (including their subsidiaries). i guess yun nalang gamitin kong data via gigasurf; then globe ko nalang pang call and sms lang na combo.
  • Pinakasulit ata prepaid offer sa Smart network ay nasa TNT at Sun. TU200 (30 days) saka Panalo Combo 60 (7 days) medyo sulit na promo.

    Selected areas lang ata yun Panalo 40 (P40 to 3545) ng TNT pero kung gumagana sa inyo, ok na rin for unli call tri-net at txt to all for 7 days.

    Ang mamahal ng promos ni Smart ngayon nung silipin ko. May mega250 pa rin ba ang smart? Yun gamit ko dati sa smart kaso di ko na makita sa website nila.
  • Nag worry ako nung hindi ko na ma access un previous group/thread. Bookmarked! thanks sir aaron for keeping us updated.
  • Sir aaronick meron pa bang gosurf50 sa globe reward kasi 1 gig data yun eh oarang di ko na nakikita sa reward?
  • @Johnson68

    Hindi ko na rin siya nakikita. At maski sa isa pang forum site na member ako, maraming nagsasabi na wala na siya. Nanghihinayang nga ako. Kasi malapit na rin ako maka-10pts. So gagamitin ko pa naman ulit para magdagdag ng 1GB. Wala na pala.
  • Wala na iyong table para gumawa ng sariling combo? Thanks sa pagbuhay ng thread.
  • @curiosit_e

    Hindi ko na in-add kasi akala ko wala naman gumagamit. Pero since ni-request mo, so binalik ko. Check mo na lang sa itaas. Andun na po siya ulit.
  • Meron surf1d 1gb for 1day 8 rewards pts. Pwede ba ito sa mga prepaid wifi sim modem?
  • Mga master ito na naman po ako. Manghihinginpo sana ano pwede ma register na may call to all network. With text and data sana for one week.
  • Kala ko nawala na na thread na to. Buti nalang. Maraming salamat sa pasimuno nito.
  • @Zendrix

    Sir you can try GOCOMBOBHBF268 + GOCOMBOFKEBFA147. Total 415
    Allnet text 1,020, Allnet call 110 minutes and 1,020 Gb for 30 days or

    GOCOMBOBFBD91 + GOCOMBOFKEBFA147. Total 238
    Allnet text 270, Allnet call 110 minutes and 1,020 Gb for 7 days

    -- edited by joeltan on Oct 21 2018, 10:46 PM
  • Sigurado one of these days mala-lock na naman yung thread kapag dumami yung asa sa sagot at di tumitingin sa mga nakalistang promo...
  • Maraming salamat sir joeltan
  • Wow working... salamat po.
    Next question po. Ano po pwede gawin halimbawa malapit na ma expire then may natira pang call or data para ma extend or ma carry pa.
    And ano po pwede gamitin para mag add ng call at data.
    Maraming salamat po.
    Pahabol.. pwede po ba paturo paano nyo po sya nagawa hindi ko kasi masundan sa table yung suggest nyo po. Sensya spoiled na ata.
  • @Zendrix

    GOCOMBOBFBD91 - 7 days
    GOCOMBOBHBF268 - 30 days
  • Thanks Aaron!

    AaronICK Send Message View User Items on October 20, 2018 08:17 PM

    @curiosit_e

    Hindi ko na in-add kasi akala ko wala naman gumagamit. Pero since ni-request mo, so binalik ko. Check mo na lang sa itaas. Andun na po siya ulit.
  • Sana huwag ng magtanong kung ang kasagutan ay makikita sa table at may kasama pang example. Magbasa basa naman po tayo. Magtanong lang kung walang kasagutan sa table or may na-experience kayong issue sa GLOBE.
  • Pwede po magpatulong ng promo para sa:

    * CALL (GTCA) and SURF for one week or one month?
    * CALL (ALL NET) and SURF for one week or one month)

    At kung ano po ang add ons? wala po kasi sa table yung option na CALL and SURF lang :(

Browse Items

Search TipidCP


New Items for Sale

New Want to Buys

Active Items for Sale

Active Want to Buys