Hello Guys,

Patulong po. Yung dating problema ayaw mag LTE at parating naka EDGE sa internet connection lang na ayaw gumana ng internet. unang paayusan sa greenhills, hinde nila maayos kasi ang phone ko under ng AU network sa japan tapos hnde nila kayang ayusin. open line naman ito na puwede sa smart at globe pero problema ang mobile data connection na parating naka edge na ayaw magbrowse. Tapos sa pangalawang paayusan, naayus niya na tipong ang cp tech hinde niya kinabit sa computer nila ang phone ko at wala siyang binaklas sa loob as in tipong may kinopya lang siya ng settings galing sa phone niya para ang phone ko maging LTE ang connection. Ang problema daw pag mareset mawala ang settings na ginawa niya sa phone ko at babalik nanaman ak sa kanya para gawin niya ang settings ulit. ayaw niyang ituro sa akin paano gawin at pinaupo niya ak sa tabi. guys gusto ko malaman na paano niya inayos yan tsaka kaysa babalik pa ak sa greenhills para gumastos ulit. lahat ginawa ko na lahat ng trouble shoot galing sa internet na tanggalin ang sim card at irestart, nagpatulong sa globe tech support na walang nangyari bago ako nagpaayus sa phone ko.

thanks in advance sa magshare.