User Login

TipidCP.com is the premier forum and trading portal of the Filipino mobile phone enthusiasts. Got something to say, sell, or buy? Sign up for an account now. It's absolutely free!

Forum Topic

Mga Pagbabago: Noon at Ngayon

  • noon: paliitan ng celphone

    ngagyon: palakihan ng celphone
  • Dati. Yung isang sachet ng milo sa tindahan malasa pa sa isang mug
    Ngayon. Ang tabang na sa 1 mug
  • Noon:
    gamit ko SE p800

    Ngayon:
    gamit ko pa rin SE p800. working pa kase.

    Yikes! walang nabago. hehehe.
  • NOON: Kapag below 18 yrs old hindi pwedeng makulong.

    NGAYON: Dapat gawin nang 12 yrs old, mga bata palang mamamatay tao na!
  • Noon: kapag pumara ka sa jeep, itatabi pa nila.
    Ngayon: kapag pumara ka sa jeep, kahit nasa gitna pa yan hihinto.
  • noon: malaki value ng pera


    ngayon: kahit sumasahod ka ng 20k monthly nagkakautang kapa.
  • noon: simple ang buhay...

    ngayon: hirap ng buhay...

    sana bata nalang tayo palagi :)
  • Noon: Wala pang clone phones

    Ngayon: Nag dagsaan na sila

    HAHAHAHA!
  • Noon :Tinatyaga natin sadyain sa bahay ang dalagang ating iniirog at literal na tayo ay aakyat ng ligaw...

    Ngayon : pa GM GM, pa like like ng status, pwede na...


    hehehe
  • noon kumpare ko sya ngayon kumare ko na sya

    -- edited by jlbdtoto on Feb 18 2013, 10:18 AM
  • dati sulatan kami ng ex ko. as in replyan kami everyweek, gang ngayon nasa bahay pa yun sulat nya.
  • noon: maayos kumilos ang mga babae
    ngayon: daming oportunista na babae. sa mrt/lrt lang, sila pa ang nambabalya. di mo naman pwedeng balyahin pabalik... tapos kahit maluwag pa ang tayuan sa special coach, pilit silang sisiksik sa ibang coach kasi may lalaki na magpapa-upo sa kanila

    -- edited by xxGILxx on Feb 18 2013, 12:50 PM
  • kala ko ba may gender equality na?
    bakit ang lalaki bawal sa pang babae sa lrt? pero ang babae pwede pang lalake? minsan kasi nakakaasar, kita na nga na dun masikip dun pa din sila pupunta sa pang lalake na coach.. tapos pag nasanggi sila sa loob, hinipuan daw.. haha peace!
  • Ayan din pinagtataka ko mrt at lrt bakit my sariling lane sa babae, kung disabled or senior or buntis or may kasamang baby maintindihan ko pa pero yung pang babae lang ang hindi ko gets samantalang sa line 2 ng mrt wala naman, ano kaya ang dahilan? Dapat gumawa na din ng sariling lane exclusively naman para sa mga lalaki
  • Sabi nila para daw sa mga nanghihipo pero 5 years ako nag lrt noong unang panahon araw araw walanpa ako na experience may nahipuan, pwede la not adukutan, nagsuntukan, and Inag sigawan pero hinipuan kahit minsan sa araw araw ko sakay wala pa ako na experience
  • oo nga eh. kadalasan kasi siksikan sa male area pero ang luwag naman sa female area. pero ang dami pa din babae na makikipagsiksikan sa male area.
    bakit kaya??
  • Dati kasi nauso yung nahihipuan ang mga babae, ok lang naman na me sariling lane yung mga babae, pero sana naman pag sumakay sila sa pang lalake, wag silang magtatampo pg hindi pinaupo ng lalaki... he he he he
  • Oo nga eh. Tama! Wag sila magtampo at sumakay sa male area unless naghahanap talaga sila ng hihipo sa kanila.. joke
  • Dati, pwede ka pang pumasok sa sinehan kahit naka-kalahati o patapos na yung pelikula. Ngayon di na pede.


    Dati ang ibang chichirya may "free" sa loob. Ngayon wala na.

    Dati bawal magbukas ng Humpy Dumpy butter flavor sa bus pag fieldtrip.
    Ngayon, pede na (provided na may mabibilihan ka pa ng humpy dumpy sa panahon ngayon) in short -->Citation Needed.
  • Dati:
    Puro pulo at gubat dito samin.

    Ngayon:
    Puro real state na. :(
  • Napansin ko lang, yun mga matatanda ngayon di na huwaran sa mga bata.
    Taga Meyc. kasi ko so pila sa jeep pauwi, ito po yung may ticket tapos.hihintayin mapuno yun jeep bago makaalis.
    Napansin ko kung sino yun mga mga matatanda eh di sanay pumila, madalas nanghahawi pa para mauna.
    Hay, mga walang pinagkatandaan dinadaan sa gulang. Eh nasa 40 to 50 pa lang naman sila. Gusto senior citizen na turing sa kanila.
  • noon:

    pag nakapulot ng singko sentimos masaya na may pambili na ng chicklet

    ngayon:

    kahit bente singko sentimos makita mo sa daan hindi pinupulot :-)
  • noon:

    pag nakapulot ng singko sentimos masaya na may pambili na ng chicklet

    ngayon:

    kahit bente singko sentimos makita mo sa daan hindi pinupulot :-)
    tru dat! kasi dati meron pa nung pulang gum na singko isa. ^_^
  • Noon: Knockout ni Pacquiao
    Ngayon: Knockout si Pacquiao

    Peace joke lang!

    -- edited by etls on Feb 18 2013, 04:52 PM
  • tru dat! kasi dati meron pa nung pulang gum na singko isa. ^_^


    merun pa sundot kulanngot 10sentimo isa :-)
  • nahahalata mga edad.. di ko pa inabutan yan.. =)
  • ^

    1980`s lang yun bro :-)
  • honga, late 80's til early 90's meron pa nung mga yun. hehehe...
  • Noon:
    Pahabaan ng suot ang mga babae, para matakpan ang mga legs.

    Ngayon:
    Paiksihan hanggang kita na ang *kwan*
  • noon: maliit pa ako kaya hanggang leeg ko ang baha

    ngayon: lumaki na ako't lahat hanggang leeg ko pa din ang baha, minsan lagpas pa!

Browse Items

Search TipidCP


New Want to Buys

Active Items for Sale

Active Want to Buys