User Login

TipidCP.com is the premier forum and trading portal of the Filipino mobile phone enthusiasts. Got something to say, sell, or buy? Sign up for an account now. It's absolutely free!

Forum Topic

Globe GOSAKTO Thread (List on Page 1)

  • Tama yung screenshot sa itaas. TO ALL NETWORK ang calls niya.

    Nag-register yung kapatid ko nung August 22. Ito ang reply ni Globe.

    External Image


    -- edited by AaronICK on Aug 30 2021, 05:58 PM
  • buhay pa ba ang mga gosakto? anyone tried and successful? baka masayang pag nag register at di na gumagana or bigla na lang bawas sa load unexpectedly
  • @AaronICK: Yun nga, timing na lang talaga. Naging unpredictable na yung confirmation messages ngayon, to the point na baka tuluyan na ngang mawala. Ang hirap nga naman kung pa-expire na yung promo, kasi ganung kaso yung sa kapatid ko.

    @DON2003: Yep, yun nga nangyari sakin noong Friday. Dalawang beses akong nag-register ng GOSURFBE34. Akala ko kasi hindi yung pumasok yung nauna. Ayun tuloy, sa sobrang tagal magbigay ng confirmation messages ng Gosakto, na-doble tuloy yung sakin. Naka-receive ako ng confirmation ng GOSURFBE34 ng around 5pm, then another ng 10pm.

    Anyway, Tried texting GOSAKTO STATUS kaninang 12:55pm, at hanggang ngayon wala pa rin akong narereceive na message. Tuluyan na kaya nilang tinanggal GOSAKTO promos ngayong Monday?
  • hindi dapat ganyan, ano yan hula hula lang?

    pero nabawasan ba ang load pag txt ng code? if yes then successful, puwede siguro ma check sa globe one kung nadagdag kahit na wala reply ang gosakto status, try niyo po
  • Update: Ngayon ko lang na-receive yung GOSAKTO STATUS (as of this writing @ 1:00 am) na tinext ko kahapon ng 12:55 pm.

    External Image


    Siguro kailangan ng Globe na maglabas ng official statement kung talagang idi-discontinue na nila yung Gosakto o hindi. Para maubos ko na yung data ko dito at makapag-migrate na sa GOMO.

    @DON2003: kaya nga eh. napaka-unpredictable, hindi mo tuloy alam kung may Gosakto pa rin nga or hindi. XD

    And yes, nabawasan ang load ko noong Friday ng 2 beses sa GOSURFBE34 na niregister ko. Oh well, malay ko bang parehas papasok...

    -- edited by monotype on Aug 31 2021, 03:21 AM
  • nabawas din kanina 1am yung 191 ko na niregister nung 29...

    masaklap nakapagregister na ako kagabi ng gounli350...

    ubos ang load... mabawi pa kaya ang 191 ko....
  • Kung ako lang hindi ko na i-attempt na magregister ulit ng GOKSAKTO hangga't hindi sya proven na stable. Hassle na nga sayang pa ang load. Medyo mataas yung UNLI350 pero okay lang at least sure ka na makaka-register without any issues. Buti na lang di ako nabawasan nun nag-attempt ako last August 28 and by the time na nagpasukan yung notif na wala daw ako enough na load naka-register na ako sa UNLI350.

    -- edited by ccl2003 on Aug 31 2021, 09:24 AM
  • try niyo rin 599 for 90days ng kalaban nila, allnet call and text and data, and quaterly na load, problema lang is palit number na naman,

    unpredictable service of Globe kung ganyan, di agad bawas load, pero I think you can update your available promo status sa GlobeOne app, try niyo and lets all know,

    parang pinagiisipan pa ni Globe tapos, parang awa na lang sige pagbigyan mo na nga eto, hehe
  • Tagal na din kasing existing ng GOSAKTO. And in fairness sa Globe, medyo obsolete na ang mga promo codes nila sa ever-changing competition. Kung hindi sila sasabay sa mga bagong telcos at promos ng ibang telco, maiiwanan sila.

    If, indeed, this is the end of GOSAKTO, salamat pa din. Napagsilbihan tayo sa matagal na panahon. And I guess it's time to move on with using better promos.

    Kung kayo ay nagtatrabaho, OK na siguro mag-allot ng inyong sahod sa 350 for an unlicall, unlitext and 3GB data na offered ng GOUNLI350. Napapakinabangan niyo naman, so hindi na masakit sa bulsa.

    Pero OK yung 599 for 90 days na sinabi mo, DON2003. Anong simula ng letter ng telco na yan? Hindi yata ako aware diyan. kasi mas tipid yan. For 3 months, 599 pesos lang. Mas tipid sa GOUNLI350 ng Globe.
  • Instantenuous naman na ang response sakin ng 8080 pag nag gosakto status ako ngayon. Siguro nagkaproblema lang sa system ng globe. Mamaya subukan ko mag register sa 140 call and text.
  • @logbi77

    Uu nga. Nag-GOSAKTO STATUS ako now. Nag-reply na nga agad.

    Sige mga paps. Subukan niyo mag-GOSAKTO STATUS or mag-register. Let's see if talagang system-wide issue lang ang naging problema ng GOSAKTO kamakailan. Kung back to normal na ulit, then tuloy ang ligaya!
  • baka may problem lang, lets update pag may nag subscribe for the knowledge of all,

    sana meron pa, para may choice for those just need low budget promo and no need of unli all,

    update update tayo mga ka-GoSakto lovers
  • confirm nag try ako just now, with wrong suffix sa keyword, nag reply agad with corrected keyword, wheew! buti nandito pa, hehe
  • Tried texting GOSAKTO STATUS ngayon lang, at agad-agad na akong naka-receive ng notification unlike before na minsan aabutin ng 4 hours, minsan kalahating araw. So, mukhang GOSAKTO is here to stay for good?

    External Image


    EDIT: Oops, may nauna na palang nakapag-update sa taas. Yung kay logbi77 at AaronICK. XD

    At least this shows na may Gosakto pa rin (for now?) .....

    -- edited by monotype on Aug 31 2021, 11:50 PM
  • Nakaregister naman ako sa gocomboakcobff140 no problem.
  • just to update din,
    able to register gocomboakcobff140 last night without problem
  • ...mag-expire na yung current promo na gamit ko mamayang before 5PM. so to double-check kung valid pa rin ang gagamitin ko pang-extend, ni-mali ko lang ang last digit ng promo. and heto ang reply niya;

    External Image


    so, valid pa rin siya :)

    -- edited by praxxis on Sep 06 2021, 03:04 PM
  • Last Friday nakatanggap ako ng ganito

    External Image
  • ^ Same here. Nakareceive din ako ng ganyang message from Globe noong Sunday naman. Buti na lang at nirefund nila yung mga nadoble/natriple ng register.

    External Image


    -- edited by monotype on Sep 07 2021, 10:05 PM
  • Hi. Medyo mahirap nga magreg last time. So ngayong araw lang ulit ako nagawi dito. Share ko lang din tong nadiscover ko dun sa new globe one app.

    Karaniwan kasing ginagamit ko lang ay yung GOSURFBE34 plus GO50. 5gb data for 15 days. Ganon lang ako ng ganon dati.
    So in a month nakaka 50 pesos ako, then dalawang 34. The following month dalawang 34 lang kasi di ko nauubos data at may net sa bahay, di rin gaanong lumalabas.

    Sa new globeone app nagtry ako mag create ng promo. 15 days validity, 5gb data, 85 pesos lang (mas mahal ng piso sa karaniwang nirereg ko) at may freebie pa na unli all net text. So surely ito na gagamitin ko lagi.

    So maeexpire sya in 15 days, balak ko mag GOSURFBE34 ako para mag extend. Kaso nakita ko pag nag 3gb data ako for 15 days, ang presyo ay 51php lang. At may freebie ulit ma unli all net text. Additional 17 pesos lang sa karaniwang nireregister ko. Di na masama. Try nyo po mag explore baka may sulit promos din kayo macreate compare sa luma nyong codes na ginagamit.
  • update ko lang..

    naibalik ni globe ang 191 ko nung wed lang , 2 follow up sa globe one app ang ginawa ko.

    pag nag register ba ako ng 191 next month, papatong yung 3gb na data ko ng gounli350?
  • puwede mag create ng own sakto promo sa globe one? how?
    any idea best for 30days na promo?
  • Yes. Ang tinutukoy ko yung bagong GlobeOne app ha. Kaso any own created promo, ang available validity lang ay 3,7, at 15 days.

    If di kayo kagaya ng nireregister ko, mas mahal dito sa bagong GlobeOne. Explore nyo na lang yung app. Pero sa akin, kapalit ng GO50 + GOSURFBEA34, ok sakin yung nandito sa bagong globeone app.
  • Boss pwde magtanong which network is this? Looking for something similar to gomo na non expiring yun data. My problem with gomo is that it runs on globe network and eratic globe dito sa amin.

    @DON2003
    try niyo rin 599 for 90days ng kalaban nila, allnet call and text and data, and quaterly na load, problema lang is palit number na naman,
  • @DON2003

    Disregard above post. Found the info on the other forum group. Thanks
  • @Dicekei

    So basically 51 pesos for 3gb + unli texts for 15 days via the new globeone app right? Bale 102 pesos for 30 days 6gb+sms much better kesa sa 3.5gb + sms offer ng Cherry Prepaid (99 pesos) lamang lang sa call addon si Cherry kasi 10 pesos lang call promo ni cherry for 15 days.

    -- edited by logbi77 on Sep 11 2021, 03:50 PM
  • sana meron rin call solve na for use 30days
  • Yes po Sir/Maam logbi.

    @Don
    If want mo may call dun sa 3gb data for 15 days, magiging 201 pesos sya. So 402 pesos, unli call and text to all net, plus 6gb data. Mahal.

    Ang mahal ng add on ng call, kasi ang add on ay all net calls agad. Walang globe to tm lang.

    Explore nyo po ung app. Konti lang choices ngayon compared sa dating GoSakto. GoCreate na tawag sa kanya ngayon.
  • paano mag susbcribe via GlobeOne? is the the new app? parang wala ako makita, it directs to *143# parin
  • @dicekei

    Ok salamat. Mukhang pang data+sms ok ang gocreate.

    @don2003

    Sa playstore "new globeone" app

Browse Items

Search TipidCP


New Items for Sale

New Want to Buys

Active Items for Sale

Active Want to Buys