Pre, eto kauna-unahang deal mo, pero pasensyahan tayo, bibigyan kita ng negative. Hindi ka maayos makipag-deal. From your ad, sinabi mo na working condition ang A2688 TV Mobile mo. So i-aassume ng nakakabasa na gumagana ang touchscreen, usb port, at walang depekto ang unit, di ba?

Pero nung umuwi na ako, nadiskubre ko na hindi gumagana ang touchscreen. Sabi mo, nakalimutan mong sabihin. Pero mura na ang unit at hindi na ako lugi. Tama ka, pero hindi yun ang punto. 50 pesos magpa-quarantine ng virus sabi mo kasi na-virus lang.pero nung tinesting ko cable ko for china phones at nung pinatingnan ko din sa tech, sira daw ang usb port. so paano mapapagawa to?

isa pa, sabi mo dun sa isang buyer, 4-5days ang standby. E hindi ko nga halos ginagamit, isang araw lang lobat na.

Dre, wag ganun makipagdeal. Naiintindihan ko na ayaw mong baratin pero mali ang pamamaraan mo.

ngayon, bibilhan ko to ng baterya. Nakamura nga kaya ako? napapamura ako e.