Pambihira ka Sir.
Nakipag deal ka sa akin ng 7:00am sharp....kahit novaliches pa ako manggagaling ay pinilit ko na makarating don sa meeting place natin. Yun pala ay hindi ka darating. Nagtetext ako at tumatawag sa number mo ay hindi ka sumasagot. Nagbigay ng ibang number ang sis mo....di ka rin makontact.
Sumagot ka nga ngunit alanganin pa. Pinagbigyan pa rin kita sa request mo na 4:00pm tayo magkita. Namuti ang mga mata ko sa kahihintay sa yo hanggang 7:00pm ay di ka nagpakita. Ni text o tawag man lang ay di mo nagawa. Nakailang text ako sa yo ngunit di ka sumasagot.
Be a professional sir kung makikipagdeal ka dito sa TPC para tumagal ka at magkaroon ka ng magandang reputasyon.
Kaya you deserved my NEGATIVE FEEDBACK. At maging aral sa yo.