
Naaalala mo tong unit mo na toh?
Iphone 5C Pink 16gb Globelock
Yes, kung natatandaan mo pa ako. Ako lang naman yung pinagbentahan mo nito worth P 7,000.00. Pagkakatanda ko di ko na toh hiningan ng discount dahil namurahan na ako sa price nya. Ayun na nga, nagkasundo tayo at nagmeet. Tanda mo pa, ako yung buntis na mineet nyo nung asawa mo ata yun sa MCDO Victory Mall. Ayun, natest ko naman sya. walang problema sa text, tawag, camera at icloud/itunes. Mali ko lang nun ehh yung di ko nacheck ang screen nya mismo dahil nagmamadali na din ako nun dahil gabi na para sakin na buntis pa nun. Nagtiwala na din ako sa sinabi mong OK na OK ang unit mo at walang problema at mura na toh sa 7thousand. Sabi mo pa sakin na reason of selling mo ehh pang asikaso sa papeles mo para makapag abroad. Ehh di wow, dahil di naman ako mapaghinala at dahil kasama mo naman asawa mo nun, binili ko na talaga sya. Tuwang tuwa ako sa unit mo nun dahil ang akala ko nga wala syang problema. Pero nagkamali pala ako dahil kinabukasan nang umaga bigla na lang nag BLACK SCREEN itong iphone mo! Ehh hindi ko naman sya naipit or something dahil maingat ako sa gamit ko. Ilang beses yung nangyari. Kaya nagtext na ako sayo para mag ask. Pero di ka nagreply at sinubukan na kitang tawagan pero di ka matawagan dahil out of coverage ka.
Ito ang proof ng text ko sayo na never mong nireplyan.

At ito nga, sobrang thankful ako dahil nakita ko ulit ang numero mo. At dito pa sa TipidCP. Pagkakataon ko na toh para magfeedback sa isang katulad mong manloloko. Hiyang hiya ako sa unit mong mura nga pero mas malaki pa ang ginastos ko para ipaayos ang bulok mong unit.
Sa lahat ng buyer na nagbabalak bumili sa kanya, ayy naku, pakicheck nang maayos lahat bago nyo bilhin ang unit nya dahil unang una, hindi po yan honest sa buyer ng phone nya. Mapagpanggap pa na para daw sa pag iibang bansa ang pagbenta nya ng unit nya. Ulol! Ehh di pa aminin na buynsell sya.
Kuya next time maging honest ka na ahh. Dahil mahirap makarma, ewan ko lang kung anong karma natanggap mo nung niloko mo ako. Si Papa God na bahala sayo. Thank you and goodluck sa panloloko mo ahh. Godbless :-)