User Login

TipidCP.com is the premier forum and trading portal of the Filipino mobile phone enthusiasts. Got something to say, sell, or buy? Sign up for an account now. It's absolutely free!

Forum Topic

Bakit ganun ang mga ibang cellphone shops sa Greenhills?

  • Bumili ako ng cp sa Ghills 8850 it cost me 1.5k nung testing ok cya, tapos nung pag uwi ko sa bahay oh my gulay ang daming hidden defects, ung keypad hinde na gumagana tapos ung LCD lumalabo. Binalik ko then OMG straight swap na lang daw kami sa 1200 grabe lugi ako sobrang sobra, Kya guys kung bibili kayo sa Ghills come to think of it cguro not once but 1 million time, Well gusto ko maiinis pero may magagawa pa ba ako. charge to experience.
  • Kuya, ano po ba binili mo? Second hand or brand new?
  • naku sana pala nag nokia1200 ka nalang safe kapa
  • hindi naman kasi totally recommended bumili ng mga cp units sa greenhills unless desperado ka makamura or may kakilala ka na di ka tataluhin. Pera-pera kasi yan eh. Ganun talaga, di mo na mababawi full money, charge to experience na lang bro.

    Next time,iwas jan, daming manloloko and magugulang.
  • ano ba kasi yang OMG mo? "Oh My God?" e yung mga ka deal mo dun puro ASA - "As'salaamu Alaikum." iba powers nila.
  • oo nga ano...
  • Wag nyo naman po lahatin ng stalls ng mga kapatid nating Muslim sa Greenhills na "manloloko". Nagkakataon lang na ganyan ang nangyayari. Nung ako naman bumili sa GH walang defect ang cellphone na nakuha ko.
  • oo nga

    hindi lahat manloloko eh... most of my phones dun galing, about 70%

    but never pa ko nakakuha ng defective phone... sanayan lang tumingin ng phone yan eh...
  • pero sana kung defective wag na nilang ibenta. Mahirap magbitaw ng pera ngayon.
  • hindi naman sila talaga nagbebenta ng defective unless specified. pag napansin mo naman na may defect kukunin nila ang unit, takbo kay "kaibigan" then palit ng ibang item. ganun kasi ang kalakaran sa mga negosyo ng muslim. i myself was a former "pirated discs" seller and i know kung paano makipagkalakalan sa kanila. sa kanila naman kasi, test all you want ang sistema. pero kung nagmamadali ka sa pagbili at hindi tinesting maigi, it's your fault.
  • kahit saan naman may manloloko kahit nga dito sa tcp marami naloloko... dapat talaga maging maingat sa pagbili kasi napakadalang ng nababalik pa ung pera pag may sira ung nakuha mong unit cguro 1% or less pa... ung 99% tulad ng TS... charge to experience nalang din.
  • OO guys kaya be vigilant, dapat sa makati square na lang ako bumili kahit paano maayos ung item nila...

    @Zlite

    2nd hand nabili ko

    OMG - Oh my gulay - tinanggap ko na un 1200 kesa naman pabalikbalik ako sayang sa gasolina.... hays
  • pero maganda pa ang condition tsaka 100% orig ang housing ng 8850?
  • @law

    S' defective po orig housing
  • natanong ko lang kasi mahal ang brandnew orig housing ng 8850. hehe
  • ako tinabi ko ung resibo tapos nireport ko sa management wala nagawa kung hindi palitan ng bago ung cp ko. . .
  • di nga lahat ng muslim don manloloko kayo naman... siguro 10% good 90% evil.

    kaya di naaayos yang lugar na yan dyan.
  • Ok naman sa G'hills ah.. gaya ng sabi ng iba dito, nasa tao naman yan kung marunong sya pumili.. =)

    and kasi naman po, bakit 8850 pa... AFAIK, lumang luma na talaga yang phone na yan(8 years old na).. detoriated or totally bumigay na ilang hardware parts kaya no wonder nagloloko na yung phone.. & alam ko mga phones or any electronic devices, very short lang talaga ang lifespan.

    IMHO, avoid na lang bumili ng mga old school phones, karamihan kasi hindi na talaga reliable..

    maraming low end phones na medyo latest pa(i.e. 1110i/1200 etc) na sobrang reliable lalo na sa battery life.. =)
  • Ah, kaya pala. 2NDhand pala. Next time Sir, wag u bibili ng 2ND hand don. Mas ok pa kung brand new. Ako kc, lagi me bumibili don pero never pa ko nakakuha ng diffective. Always new kc kinukuha ko.
  • Wag nyo naman po lahatin ng stalls ng mga kapatid nating Muslim sa Greenhills na "manloloko". Nagkakataon lang na ganyan ang nangyayari. Nung ako naman bumili sa GH walang defect ang cellphone na nakuha ko.


    This is very true. Huwag nating i-generalize at huwag tayong magdiscriminate.

    Ang pagkakaiba lang ng pagbili sa Greenhills at dito sa TCP, may benefit of a Feedback Ratings ang mga bumibili rito. Sa feedbacks pa lang may idea ka na kung credible ang isang seller at mga items nito. :)

    Please be cautious sa mga nakakadeal ninyo whether it be at TCP or sa labas ng ating TCP Community. Mahalaga ang bawa't Piso na pinaghirapan ninyo. :)


    External Image
  • di nga lahat ng muslim don manloloko kayo naman... siguro 10% good 90% evil.


    kala ko mali ang basa ko .. 10 good lang talaga ^.^


    purchased there siguro mga 10 units na .. wala naman ako naging issue.. 7 siguro binili as secondhand plus 3 eh brand new.. last ko binili eh n82 ... :) ayos naman as of now,.. one month na sa akin...

    PSP dun din ako bumili noon.. ayos din naman.. (2nd hand)
  • pag nasa cellphone section kayo ng greenhills, subukan nyo lang na tahimik mag observe sa trading doon. sa loob ng isang oras lang, bilangin nyo kung ilan ang makikita at maririnig nyo na nag rereklamo na nabentahan sila ng palpak na unit.

    pag napapadaan ako doon, yung lakarin ko lang end to end ang 2nd floor, at least 3-4 na tao ang naririnig at nakikita ko na nagrereklamo. so based sa personal na karanasan ko, pugad talaga ng mga mandarambong ang lugar na yan. dapat may malaking sign dyan: Buy At Your Own Risk!
  • pag nasa cellphone section kayo ng greenhills, subukan nyo lang na tahimik mag observe sa trading doon. sa loob ng isang oras lang, bilangin nyo kung ilan ang makikita at maririnig nyo na nag rereklamo na nabentahan sila ng palpak na unit.

    pag napapadaan ako doon, yung lakarin ko lang end to end ang 2nd floor, at least 3-4 na tao ang naririnig at nakikita ko na nagrereklamo. so based sa personal na karanasan ko, pugad talaga ng mga mandarambong ang lugar na yan. dapat may malaking sign dyan: Buy At Your Own Risk!


    sorry for bumping, had to post on this topic, nafrufrustrate lang kasi ako sa transaction ko. same reasons, pag uwi defective unit pala. hindi ko lalahatin yung mga tindero ng greenhills, in fact may suki ako dun (Anna & Honey, trusted sellers). pero yung last transaction ko dun hindi sa suki ko, wala kasi siya that time eh nagmamadali kami bumili ng cellphone. yung tindera ang bait ng dating. nung nakita na namin defect at pinakita hindi na accommodating! bastos pa sumagot pinamumukha pa kaming sinungaling tapos ang huling sasabihin nila "sa manufacturer niyo nalang dalin kasi feature po nila may sira hindi kami gumawa binenta lang namin sa inyo". ok lang sana, problema is napaka bastos lang nung stall.

    yeah yeah, don't buy second hand.. check the unit carefully.. it's your decision to buy the used unit etc.. we all heard the justifications. anyway...

    bottomline is do not buy from this "Markkiah Telecom" stall sa GH. better find a vendor that is respectful and accommodating. and besides, mahirap na talaga bumili sa GH and if ever dun talaga bibili, hintayin at hanapin niyo nalang suki niyo para siguradong di kayo lolokohin.

    better to shell out more cash for a brand new unit than get second hand pero sa huli ka babawian.

    shoutout to Anna & Honey (you know who you are, sa inyo nalang talaga ako bibili!)
  • nung 1st time ko bumili sa gh last dec 2004 galing sa 13th mo. 1st time ko makahawak ng colored SonyEricson bago daw pero hindi din ng tagal middle of 2005 nasira na. hinanap yung store pero hindi na nakita pa..
  • ang masasabi ko lang bago bumili ng unit make sure na icheck muna lahat bago iwan ang stall ng pinagbilan ang alam ko kasi nagstart yan kapag may nagbebenta din sakanila ng may hidden defect na unit so sa tingin ko pasa pasa lang.
    ang ginagawa ko lang sa greenhills kung gusto ko ma experience mga bagong unit tapos bibili nako dito sa tcp or sa mall
    mahirap talaga , ako marami na ko friend na naloko diyan mga 50+ na.
  • mahirap kasi pag hindi ka marunong sa phones... dun ko lang nalaman na meron ang samsung version "may antenna..."

    i remember buying an S1
    sabi sakin "imported" mas magandang version kaysa sa nilabas sa Pinas
    and mas mura...
    kasalanan din naman ng hindi marunong mag check
    pero sa bahay ko na nalaman na may antenna pala...
  • Suki ako sa green hills pero kelangan marunong ka talagang kumilatis. Meron din akong Suki for 4 years which wala talaga ng issues ang brand new phones na nabibili ko sa kanila. I do not buy 2nd hand in GH though. Pero last Kong balik sa GH wala na sila kaya need maghanap ng bagong mabibilhan. Unfortunately ang nabili Kong unit eh may fake accessories at minor dent sa phone. Sa bahay ko na napansin kaya binalikan ko ang store and fortunate enough naman pinalitan nila ng totally new phone and orig accessories with freebies. I agree na pangit ang marketing strategy na yan pero kuripot ako haha kaya dun pa rin ang bagsak ko. Buy at your own risk na nga lang. :)
  • Kailangan pag bibili ka dun marunong ka tumingin. Nakabili ako ng note 2 din brand new ang baba ng price compared sa iba. Pag check ko may super user so meaning rooted ang phone. Ang galing brand new rooted out of the box? Pinalitan din naman nila ng totoong brand new. Di rin kasi masyadong safe bumili kahit brand new pa most of the units re sealed na. Nilinis to make them look brand new
  • Ako nung noob pa ako sa Pag flash ng mga phones nag pa flash ako ng ram ng xda IIs ko dati sv niya marunong siya bgla dala s ibang kasama niya singil ako ng 600php tpos Mga ilang sandali nang ayaw na mag on may nasirang piyesa daw nung Dinala ko yung unit maayos pa nagrerestart lng dahil corrupted yung rom tps binaklas nila Kumuha ng piyesa sa mga sirang same unit nila tps bgla nila akong siningil ngb1.5k bata pa ako nun kya d ako nka palag tps bara bara pa Pag kabit ng casing ng cp angat mga gilid kadamihan dyan s Greenhills basura mga tech at bastos pa mga nagbebenta naglakad ka haharangin ka benta cp mo?.....

    -- edited by maddog14 on Oct 11 2014, 01:28 PM

    -- edited by maddog14 on Oct 11 2014, 01:31 PM
  • Hi share ko lang experience ko sa Greenhills cellphone sellers,

    bumile po ako ng Iphone XS Max 256 gold @ 24k php second hand, unit was in great physical condition 99% smooth, battery health was already 97%, when I arrived home I started to explore and fully test the unit, napansin ko ang bilis mag drain ng battery, i did some research and videos conducted power reducing tips, nakatulong ng konti pero ang bilis malow batt on for light usage almost 5 to 6hours lang battery life niya. then on 20% on call bigla na lang namamatay. The phone last 10days then decided to sell it again @ 20k.

    Android user kase ako talaga so i decided to buy a Brandnew unit Samsung S21 Ultra 5g. Sympre dun ako sa makakatipid inikot ko lahat ng stalls then nakikita ako brandnew sealed @ 48k php openline, so far un na ata pinakamura na nakita ko so i decided to pay for it. Box was sealed with plastic, and the box it self was sealed by a samsung sticker side by side, so local unit siya NTC daw, upon opening i've noticed may scratch ung sa camera frame and may dents dun sa camera circle sa gitna then un sa sim eject nia may dents din also madume ung type c charging port then ung back clear sticker protection di official samsung parang ginunting lang then dinikit.

    According to the seller brand unit daw pinipilit ako ng anak nia na kunin ko na which nabuksan na at nalagyan ng tempered glass. Di talaga ako pumayag. Hangang sila na mismo nag soli ng pera ko.

    My wife decided to drop by at samsung concept store, then sa technical repair team napaturo kame ng tips when buying. Ang samsung pala local unit di pala sila naglalagay ng plastic sa box, plain box and seal agad ng samsung then sa service provider software version daw XTC (5x) kapag openline PH unit daw ung naka sulat. Mostly kapag may plastic daw ung box refurbished units daw un or recondition.

    Then binigay official store sa V-mall na pwede kong pagbilan luckly i got a good deal 50k 1yr warranty from samsung PH.


    Lesson learned: 3x na ako naloko dito, nakakaaawa naman ung ibang matitinong seller dito sa greenhills nadadamay sa maduduming gawain nila.
    ng dahil sa kakatipid ko muntik pa ako maloko nito, gusto ko sana ipost ung picture and tindahan ng seller pero ipagpapasadyos ko na lang ito.

    Thankful na lang ako naisoli pa pera ko.


    peace!

    11-09-2021 update - resealed unit daw ang tawag dun nakuha.

    -- edited by patilicious on Nov 08 2021, 05:47 PM

Browse Items

Search TipidCP


New Items for Sale

New Want to Buys

Active Items for Sale

Active Want to Buys