Magingat kayo dito sa seller na to. Manloloko tong taong to. Nung January 25, bumili ako ng LG G4. Ok naman kadeal, pero medyo nadisapoint ako nun nakita ko yung unit na ang daming tama. sabi nya sa text good condition yung unit. Kinuha ko na lang kasi nandun na at working naman yung unit(d din nya minention na Korean Version kahit tinanong ko nung nagiinquire ako).

After a week, biglang nagshushutdown yung unit ng kusa hanggang sa ayaw na mag on. Nung tinawag ko sa kanya para ireport yung unit, sabi nya patingin ko muna sa technician. Sabi ko ikaw na lang magpatingin para at least deretso sa tech manggaling. Wala daw sila tech, next week pa dadating. Rinefer ako sa tech sa greenhills(Taga Paranaque ako. Same day ko pinuntahan yung tech nung rineport ko). Sabi ng tech d daw pwede irepair kasi yung problema, buong board yung papalitan. Rinefer ako sa isa pang tech na pareho din ang sabi. Sabi ng tech 5k daw yung board replacement at 10 days daw yung antay para iorder yung board. At this point naiirita na ako, dahil parang pinagpapasahan lang ko ng seller. Nung sinabi ko na ibalik nya na lang yung pera since 3 weeks nga ang warranty nya, biglang ang hirap na macontact, misnan lang mag reply o sagutin yung mga tawag ko.

Nung bigla syang nag rereply ulit, napag kasunduan namin na papalitan nya na lang yung unit. Pumayag ako at makikipagmeet dapat nung Feb 2 ng 5pm. Pagdating ng araw para magmeet up, 2 oras ako nag antay. Sa ilang bese ako nag text sa kanya, d nag reply. Ilang beses ako tumawag, isang beses lang sinagot, nasa shaw na daw sya at galit pa sya nyan. nang hindi pa sya dumating, tinawagan ko ng tinawagan, hanggang sa blinock na yung number ko.

3 weeks na nung binili ko yun item nya. Walang attempt na iresolve ang issue na to. nasayang and 13.5k ko. Magingat kayo dito sa taong to kung balak nyo makipagtransact sa kanya.