Tagal ko inisip kung maglalagay ba ako ng feedback o hindi. But I think you deserve this.
Si danifilth1231 mga at least 1 week niya pinareserve yung L800 na dual sim phone ko. Dahil nauna siya at may 2 magandang feedback, ni reserve ko.
Syempre marami pa ring iba na nag-offer for the phone pero sinabihan ko na nakareserve. Meron nga na taga-Pacita lang din. Di hamak na mas convenient na offer. Yun nga lang, nakapangako na ako kay danifilth1231 kaya naghintay ako dun sa February 15, 2011. Nagtext pa ako at nag-pm kung sure ba yun. Sabi niya oo sure daw. Pero hindi nagreply sa text. Lumipas ang February 15 at hanggang ngayon, ni ha o ho... wala. Walang explanation kung bakit hindi natuloy ang deal.
May nakita ka bang ibang phone? Ayaw mo na nung phone ko? Sana sinabi mo agad... Syempre yung mga kausap ko before na kukuha nung tinanong ko ulit may nakuha nang ibang phone.
Nakakahinayang. Nakaka-disappoint.
:(