User Login

TipidCP.com is the premier forum and trading portal of the Filipino mobile phone enthusiasts. Got something to say, sell, or buy? Sign up for an account now. It's absolutely free!

Forum Topic

SUN Cell Users Unified Thread II

  • stop selling na ang NOTE 5 sa plan 999... since October pa ko naghintay, kesyo i-oorder, papareserve... dumaan na pasko't bagong taon... NGANGA. halos every other week pabalik balik ako sa Galleria, Shang, Festi, tapos last week sinabihan ako ng stop selling na daw. Bibigay saken LG Stylus, ni yung S6 di rin nila ma-offer dahil wala din daw delivery o stock sa warehouse nila...

    -- edited by firespit69 on Jan 23 2016, 03:09 PM
  • @firesplit69

    sir salamat sa info. so ano kinuha niyong phone sir? ung LG G4 stylus?

    salamat po
  • tinawag ko sa suncell hotline yung bill ko. unang nakausap ko sabi sakin 3gb data daw nakareflect sa plan ko (may nagtext kasi na ubos na 30hrs ko). nung dumating second bill dun na lumitaw yung spinnr fee, 30hrs + excess usage. tinawag ko uli sa call center nila. plan 999 ang nasa system nila pero 30hrs lang naka-tap sa plan ko tapos wala akong free spinnr. apparently yung plan ko retained sa 600 pero sinisingil ako na pang 999. the agent promised 5 days ang feedback. after 5 days nagtext ang sun, may rebate akong 650 pesos.

    hay naku, after one month naputulan nanaman ako ng postpaid line. the reason? iniwan ko naka-on ang data ko kahit di ko gamit, siningil ako per 15 minutes instead na may 3Gb free data but this time wala nang sms alert na ubos na kuno ang free minutes ko. so i called up the hotline again, they reactivated the line after 22 hours and filed for reversal of charges. sa bagal nila magreverse nag auto charge nanaman ng 2.7k sa card ko. so parang nag advance payment nanaman ako ng 3 months sa plan ko.
    stop selling na ang NOTE 5 sa plan 999... since October pa ko naghintay, kesyo i-oorder, papareserve... dumaan na pasko't bagong taon... NGANGA. halos every other week pabalik balik ako sa Galleria, Shang, Festi, tapos last week sinabihan ako ng stop selling na daw. Bibigay saken LG Stylus, ni yung S6 di rin nila ma-offer dahil wala din daw delivery o stock sa warehouse nila...

    same ng ginawa nila sa Samsung E7 retention offer nila dati. malamang wala din nakakuha nun.

    apparently they're intentionally annoying sun postpaid subscribers para mag-switch sa smart. (it would be cheaper to text and call from smart to sun and vise-versa).
  • @pokel

    medyo lugi sa lg g4 stylus, nagiisip isip pa ko kasi sayang yung unli internet ko... ipon ipon na lang muna para pambili ng note 5.
  • @fire

    salamat sa info. sabi ng nakausap kong taga sun cell, magkakaroon daw sila ng new line up by next month. not sure daw kung ano ung mga phones. wala pa daw update eh.

    sayang talaga ung note 5. sa smart and globe available sya kaso malaki ang cash out.
  • @all nakakuha pa ako ng s6 duos 32gb pero di ko pa nakukuha oero me stock sila na reserved sa akin. Any idea if openline ba yung sim slot1 or pwede ang smart sim if sunlocked? Thanks.
  • Most likely sun/smart sim will do.
  • Guys may naka encounter na ba sainyo na bigla nalang mag no no service yung sim nyo? Bigla nalang kasi nangyari sa sim ko, tinawag ko na sa csr wala naman nangyari. Hihinayang kasi ko sa number ko and free call and text, 1yr ko na naiipon eh. Ginawa ko na lahat ng nakita kong trouble shoot wala pa din.
  • Pantapat ng Sun/Smart sa Globe MyLifeStyle Plan 399
    External Image
  • ^mas okay sana kung may kasamang free phone
  • wala pa rin bang update sa Plan999 nila? mukhang wala pa rin silang bagong device na inooffer.
  • WARNING!

    Huwag magpaloko sa UNLi Trinet 399 Call & Text Add-On ni SUN. Check the inclusions here <click here for link>

    Ang habol ko kasi is unli calls and texts to Smart and TNT kasi may pa-ilan ilan akong clients naka Smart and TNT plus I use Waze a lot when I'm on the road so useful sakin yung 10 hours mobile surfing.

    Versus their actual promo as per CSR and their SUN business center

    - Unli Calls and Texts to Smart and TNT numbers
    - 100MB surfing (I'm not sure, I forgot pero for sure HINDI 10 hours yun)
    - etc.

    I forgot the actual UNLi Trinet 399 Call & Text Add-On na pinakita sakin kanina sa SUN Business center but definitely it's not what is posted online.

    Just a warning to everybody.
  • Sun Cellular text me this yesterday "Get a NEW Samsung Galaxy S7 when you renew your Sun Plan 999 w/ only 1k amortization per month. Call 1822 today for more info".

    I called 1822 to inquire and the service center representative told me that it's for 24-month retention but with only 3GB cap of monthly data. I did not renew my plan 999 after the 30-month retention expired last year due to the unlimited data I am enjoying. Once I avail of a retention unit then unlimited data is no longer valid and will be replaced with a monthly data cap.

    -- edited by JAZME14799 on Jun 07 2016, 01:02 PM
  • @trilobugz. interested ako sa plan na yan ah. meron na naman akong phone eh. may feedback na ba dyan?
  • guys, may naka experience ba sainyo na laging connection lost sa COC? nka plan 249 ako and ng avail ako nung add-on nila na 250 1.1gb data for 30 days. pero every time na mglogin ako sa COC ko laging disconnected. tsk
  • ^ wala yan sa sim only plan 249 ko. pang text lang sa smart at sun, inabot ng P500 ang bill sabay disconnected. pagkabayad ko ng P500 may text warning na uli na malapit na mag exceed sa P500.

    PI na suncell to.
  • nakaka inis bgla humina cgnal ng sun dito sa office namin sa PASAY dati nmn ang bilis :( gusto ko na lumipat ng ibang network anu b maganda?
  • ^Force connect mo sa network ng Smart. Or enable mo roaming setting sa phone mo.
  • May nabalitaan ako dito wala na daw yung tore ng sun dito sa GMA Cavite kaya humina signal
  • Good evening mga sir. Simula May nagloloko na signal ko (pasay area), hirap sa net pati calls and text. nireklamo ko na sa sun,lahat ng sinabi nila ginawa ko na, sinubukan ko naka on roaming at smart 3g ang gamitin ayaw pa din, nag try nadin ako ilipat tong sim ko ganun pa din. Actually may nakapending pa ko na complaint, 6 months na overcharged kasi nadoble sa billing yung unli call and text to sun, 2k mahigit din yun. Gusto ko na ma-terminate kontrata ko kahit bayaran nalang yung phone, kaso di daw pwede. May nakaexperience na po ng ganito sa inyo. Anu po ba maganda gawin, ayoko naman takbuhan kasi baka tumawag sa trabaho. Ok lang sakin ituloy basta napapakinabangan, 3gb na nga lang monthly allowance sa data di ko pa maubos. thanks po

Browse Items

Search TipidCP


New Items for Sale

New Want to Buys

Active Items for Sale

Active Want to Buys