First Feedback! Welcome to TPC!
First time ako na nakipag-deal sa tao na walang cellphone. Actually, may cellphone si Richard pero nagloloko yung unit nya. Ang importante kasi sa transaction kung hindi kayo puedeng tumawag o mag-text, ay yung scheduling at timing. Importante synchronized kayo. Dapat beforehand, constant ang PM at reply habang naka-online.
Maganda ang communication namin ni Richard. Na-ayos namin ng mabuti ang schedule namin, yung location, at kung paano namin ma-identify ang isa't isa. Halos on-time naman sya kaya mabilis at maayos ang transaction namin. Ayos rin yung item na binenta nya.
Very recommended buyer! Two thumbs up!