brad, ang bilis mo naman ata magpalit ng number? kala mo naman hindi ko kasi alam kung sino ka talaga?
i traded my blackberry 9550 to his iphone 2g (defective) plus psp slim plus 300.. so una, tinanung ko kung member ba siya ng tcp.. sabi nya hindi.. so i googled his number then lumabas etong username na toh.. which is posted pa yung iphone nya for 6k.. so nagka doubt na agad ako kung bakit ayaw nya sabihin na member siya.. pero tinuloy ko pa din yung deal since las pinas naman yung meet ups..
condition of our phones per our text.. sakin 100% very good condition.. Iphone nya defective wifi, lots of scratches and with dead pixel.. aside from that daw, ok na ok na.. then yung psp nya, 100% walang problema daw.. then plus 300 siya.. so meet ups namin @ sm southmall..
so nung dumating ako sa meeting place, kasama nya yung wifi nya.. so naisip ko agad, hindi naman mag loloko toh.. kasama naman wif nya.. mukhang matino naman yung wife nya( siya kasi hindi mo talaga pagkaka tiwalaan yung itsura nya).. i checked his iphone.. asked him if aside sa defect na namention nya, wala ng ibang sira.. wala na daw.. yung battery kako.. ok naman daw.. then i tried yung psp nya.. walang matinong game na nakasave so hindi ko masyadong natest.. tinanung ko kung ok battery.. sabi ng wife nya ok daw 1 day tumatagal.. so ayun na try na nya yung unit ko then na try ko na din unit nya.. pag uwi ko sa bahay, chinarge ko yung iphone nya.. nafully charge na gabi.. pag gising ko halos lowbat na agad yung iphone.. so i texted him agad.. "brad ang hina ata ng battery ng iphone mo.. pag gising ko lowbatt agad naka standby lang naman".. no reply.. then nung hapon tinatawagan ko, hindi ko na macontact.. ayan bago na number nya.. then nag install ako 2k11 dun sa psp pagdating ko sa office.. ayun nag sosolo yung joystick.. grade, both item mo may hidden defect..
hindi ko alam kung pano mo nagawang magsinungaling in front of your wife.. or alam talaga ng wife mo na sira items mo and kapwa kayo manloloko.. kaya pala nung tinetest ko items nyo, nakatingin lang kayong dalawa sakin and binabantayan kung ano gagawin ko.. unang kita ko pa lang sayo mukhang kaduda duda ka itsura mo.. hindi ko nga alam ano nagustuhan sayo ng misis mo eh.. pero nakaka disappoint ka lang brad.. konting halaga, manloloko ka ng kapwa.. kayong dalawa ng misis mo.. nagawa nyo yan ng magkasama..
di bale, naniniwala naman ako sa karma.. para senyong dalawa ng misis mo at sa family nyo.. ok? ingat ka na lang sa makaka deal mo sa susunod..