User Login

TipidCP.com is the premier forum and trading portal of the Filipino mobile phone enthusiasts. Got something to say, sell, or buy? Sign up for an account now. It's absolutely free!

Forum Topic

TipidCP Noon at TipidCP Ngayon - After 10 years

  • Noon ang tipidcp, kung gusto mo makatipid, punta ka lang dito, hanap ka ng second hand, mas makakamura ka eh.. puro individual na nagbebenta ng personal nilang gamit na phone, dahil magpapalit ng cellphone, o kailangan lang ng cash for personal reasons. Madami ka makikilala at pwede maging kaibigan, kasi mga totoong tao talaga makakausap mo at ma-memeet, may mga EB pa nga minsan hahaha... (Eye Ball Events)

    Ngayon, naging parang online "SM Cyberzone" na ang TipidCP, mga post puro galing sa mga Online Stores, flooded ng brandnew phone nila, mas marami pa silang post, iilan ilan na lang yung mga individual na nagbebenta ng personal use nilang cellphone, kumbaga eh,, pure business na lang talaga.



    Disclaimer: Sa mga Online Stores dito, hindi po ako hater niyo, wala po akong galit hahaha... Peace po tayo, opinion ko lang po ito base sa napansin ko pagbabago dito sa TipidCP sa loob ng 10 years. Thanks

    Please respect

    -- edited by BoyN91 on Apr 07 2017, 01:38 PM
  • Makakamura ka dati ngayon makakamura ka pa din naman, sobrang tagal mo lang magaabang. 9 years palang ako sa TCP pero so far wala pa namang bad deals
  • Meron padin naman :) usually pag wala dun sa suki ko na 10 years ko nadin suki dito sa may starmall alabang, dito ako naghahanap. Minsan nga mas mura pa dun sa suki ko eh, kahit buong araw mag test, tas pag may defect papalitan talaga outright
  • Masaya dati sa tcp, active lahat ng forum topics, lalo ma panahon ng nikia. Ngayon puro tempered glass at case na lang pinag uusapan hehe. Pasaway pa ko noon ngayon ang bait ko na. Tsaka mura dati mga phones.
  • Dati masaya ang forums dahil may mga moders talaga ng mga software.. kahit yung mga simpleng nokia lang may pinoy na gumagawa ng custom firmware.. at pag dating sa mga advance troubleshooting may sasagot sayo.. ngayon puro case at tempered nalang ang mga tanong.
  • Share ko lang opinion ko dito. I've been a TCP lurker for more than 6 years now, and it shows sa profile ko.

    Kalakasan ng TCP nung uso din yung custom ROMs.

    Namatay ang forums nung nagdatingan yung mga "local" phones at China imports (circa 2014 or 2015 I think?). Dun humina ang 2nd hand personal phone market.

    Haluan mo ng improvement sa Android UI, kaya no reason na makapag-"try" ng ibang UI or skins from different phones kasi halos maliit na ang diperensya ng specs at ROMs ng mga manufacturer ngayon.

    Kahit sa looks di na rin gano malaki ang diperensya. Gone are the clamshell phones, flip phones. Heck, gusto ko balikan yung Motorola Flipout dati kasi kahit "bulok" yung Android version at Screen Res nya, ang cute nya tingnan. Eh ngayon pure rectangle bar na lang.

    Kahit ako I'd rather stick to what I have ngayon. Kasi convincing na gamitin halos lahat ng mga Android phone ngayon, kahit yung mga medyo basic na brand (e.g. Firefly, Vivo)

    BTW. LG G3 pa rin primary phone ko. Nag S6 na ko at V10, parang di na ganong worth it ang x4 na price sa minimal difference sa specs, lalo na sa mga di heavy user. So it's expected na humina ang TCP sa mga reasons na yan.
  • Almost 10 years na din pala ako sa TCP. Though not active as other users, pero I loved browsing this site talaga. Mostly individual seller ang ka deal mo. Unlike recently, may nagustuhan ako na unit. naka received lang ako ng text blast from them re payment method etc. Dati, "Sir, anong TCP ID mo?" then check ng ratings, basa basa ng feedback. Tapos pag ok, deal na.

    More power TCP.
  • Oh my, 15 years na pala ako member

    -- edited by bongbong on Apr 11 2017, 07:15 PM
  • nyahaha. napatingin tuloy ako sa profile ko...member since 2009. lolz
    yep madami na nga pinagbago.naalala ko pa yung nabili ko na nokia n95 dito..buhay pa din hanggang nagyon kahit 2nd hand ko lang nabili dati. :)
  • Hahaha.. biglang napa check kayo sa profile niyo ah haha..
  • Yun nga eh di ko alam kung matutuwa ba ako o malungkot lolz!
  • ang nde lang nagbabago eh akala ng ibang member eh baratcp.com yung napuntahan nila haha
    grabe naman kung maka-demand ng tawad.....ang masaya pa eh sila pa masusunod sa meetup place. takte. lolz
  • 9 years na pala ako dito. haha
  • Yes it's always nice to reminisce what we used to have. Sa tingin ko lang ha (of course I might be wrong), the reason for forums dying down here is because primarily of Facebook (mas maraming nakakaalam ng facebook.com kesa tipidcp.com or tipidpc.com). May kanya kanyang forums na doon na ginagawa and syempre for most of us, mas gusto natin doon kasi mas maganda interface, madali mag post ng pics, mas maraming responders, can sell/trade, etc.

    Example nalang is ako mismo, I'm using an S7 Edge and since I saw na meron forum sa FB regarding this phone, I joined there kasi mas buhay kesa dito.

    Of course tipidcp.com is still useful I guess for general discussions such as this and other daily concerns. Pag regarding sa specific brand, tingin ko you'll find more answers via FB.

    As for the items being sold, syempre mas maganda pa rin maghanap dito (well not unless what you're looking for is a certain item which is already related to the forum you're in sa FB then madali ka rin makakahanap dun. Example for my case is S7 Edge accessories kasi part na ko ng forum na yun so it's easy to ask around for what I need) But if it's a general item, mas maganda pa rin dito. Recently I just bought a vanity sim card here :)
  • wahaha 11/22/2007 pa pala account ko na to! How time flies nga naman. Sandali nalang 10 years na! Ganun ganun nalang talaga...
  • 10 years is 1 decade :) hehehe ang tagal na
  • Member since: May 17, 2010 07:31 PM


    malapit na pala, 7 years. =)
  • Ayoko naman sa facebook bakit kasi napaka cpu intensive ng site na yun pag chineck ko sa task manager sa lahat ng sites siya yung ganyan maski naman di naman ganun ka complex site nila. Hindi din ma organize by specific topics dun napansin niyo ba?
    mawawala at mahirap i-search yung mga specific topics unlike sa mga forums na to.
  • i think kya humina din ang TCP

    di lang sa mga sellers

    kundi sa.FB.

    -discussion is more realtime, dahil mag jojoined ka tlga sa group na specialized sa phone,

    -pag emerge ng hachi buy and sell and olx.(in terms of selling their celphone
  • .

    -- edited by SOMER on Apr 21 2017, 05:02 PM
  • Humina ang TCP dahil din sa mga seller na kung hindi bogus, scammer ay masyadong mataas ang price nila. Ung mga nagpapaswap ay kadalasan mas mataas ang value kesa sa selling price. Lilipat nga naman sa sa FB Group na mas mura pa.
  • ^

    Tama sir mahal pa ng mga benta ng parts ng mga mobile phone flood pa kung mag post.
  • Sayang nadelete na yung TCP - Bulacan thread, miss those days.. hehe. College palang ako ng magstart sa TCP, nahilig sa nokia swap swap, upgrade downgrade. kapag kapos sa baon, swap plus cash downgrade. mga prof ko at kaklase naamaze saken kasi kada buwan iba cp ko na nokia na sikat na sikat noon hahah!

    Dumadayo pa ako sa cavite, laguna para lang makipag swap. Minsan naloko na din ako dito ng defective unit, sa sobrang excitement ko, me tama pala. haha!
  • @symbianuser

    Ahahaha meron din ako mga ganyang experience before sa swapping,

    Nokia N70 at Sony Ericsson Cybershot cam at Walkman usong uso noon
  • Member since: June 14, 2004 03:14 PM
    Last online: April 19, 2017 03:35 PM

    TPC days pa hahaha

    -- edited by rizalnevado on Apr 19 2017, 03:38 PM
  • I've known TPC and TCP since 2004 [and is a member since 2004 but this account is from 2006].

    TPC, and I think even TCP, was using a very small font way back, which is good since space saver at saka 800 x 600 pa lang halos ang resolution ng computer screens noon, kailan na lang lumabas yung 1024 x 768 and higher resolutions.

    Di ko na maalala kung kailan binago yung font ng parehong sites pero bukod doon, it's the same look as I can recall from way back.

    Mas madalas akong sa TPC tambay dahil pangarap pa lang sa akin ang smartphones [o MMS phones noon] at Nokia 3315 lang e masaya na ako noon. At saka sa computer pa ang focus ko noon.

    Year 2011 na lang nang muli kong i-access ang account ko sa TPC at isa ako sa mga dumalo sa seminar/workshop sa Makati site.

    Napadalas ang pagtambay ko dito sa TCP nang makumbinsi akong bumili ng smartphone sa wakas. I've been a user of classic or basic phones since 2003 at 2016 lang ako bumili ng kauna-unahang smartphone, Nth hand nga lang.

    Saka binago rin ang design ng TPC na medyo di ko nagustuhan at maraming ginawang pagbabago na malayong-malayo na siya sa kilala kong TPC, although it's the same website.

    Sana lang, hindi na magbago pa ang itsura ng TCP, at sana, maibalik sa dati ang itsura ng TPC, kung ano ang itsura ng TCP ngayon.

    Opinyon ko lang naman yan tungkol sa design ng website. Ang mga web designer pa rin ang may huling salita tungkol sa magiging itsura ng parehong website.
  • Ako rin sobra tagal ko na... Andami ng binago lalo na sa design ng site
    14 years na pala akong member :)

    dy
    Regular Member
    Member since: February 08, 2003 08:35 PM
    Last online: April 20, 2017 06:39 PM
    Location: NCR - Kalookan City
  • isang buwan na lang..

    tanda ko pa una kong Biling Gadget sa TPC High shool ako PSP
    sa TCP ata Samsung Star hahaha ( Iphone Killer )

    Member since: May 24, 2007 01:11 AM
    Last online: April 21, 2017 05:00 PM
    Location: NCR - City Of Mandaluyong
    Contact Number: Not Specified


    -- edited by SOMER on Apr 21 2017, 05:02 PM
  • Ang sipag naman ng mga spammer dito... Akala ko forums lang... Ngayon pati want to buys at items for sale...

Browse Items

Search TipidCP


New Items for Sale

New Want to Buys

Active Items for Sale

Active Want to Buys